IN ANOTHER LIFE
Before I had a relationship with Blake, my friends are my weaknesses. Sa kanila umiikot ang mundo ko, kasama sa saya, lungkot, kadramahan at maging sa kalokohan. Kaya naman sobra ko sila kung pahalagahan.
"Ano? Nag-away na naman kayo? Alam mo nanggigigil na ako sa 'yo," ani Kyle, kaibigan ko.
Kyle used to be my living pillow and human diary. Sumbungan ko siya sa lahat ng bagay, isa siya sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
"Pake mo. Mahal ko eh," sagot ko habang sumisinghot. Kita ko ang iritasyon sa kaniyang mukha habang tinitingnan ako pero kalaunan ay dahan-dahang hinawakan ang aking ulo at isinandal sa kaniyang dibdib.
"Pake mo. Mahal ko eh," panggagaya niya sa sinabi ko. "Marupok ka kamo pero desisyon mo 'yan, wala naman akong magagawa kun'di punasan ang luha at sipon mong nakakadiri," dagdag niya dahilan para itulak ko siya. Napatawa naman siya sa aking ginawa.
Eventhough we're already both committed to someone elses, we still didn't lose communication like what usually happen to others once they got into a relationship. 'Yong closeness namin ay hindi pa rin nagbabago.
He's a type of bestfriend who wouldn't make you feel worthless. He'd treasure you as if you're a diamond he was afraid to lose. Pang boyfriend material talaga siya.
As time passes by, I find myself falling for him and the worst is, I'm falling out of love with my boyfriend. But I ignore my feelings--I chose to. Pinagpatuloy ko ang relasyon at sinubukang ibalik ang nararamdam ko para kay Blake but I'm just fooling myself because It was very cleared to me that I didn't love him anymore.
"Anong nangyari sa 'yo?" tanong sa akin ni Kyle. Heto na naman ako, sa kaniya lumalapit at mas lalong sinasaktan ang sarili.
I stared at him for a couple of minutes, memorizing every part of his face. Sino ba naman ang hindi mahuhulog sa lalaking ito kung ikaw ba naman ang ituring na prinsesa, 'di ba? His girlfriend is very blessed for having this kind of man.
"Sinasabi ko na nga ba, eh." Napakunot ako nang tinuro niya ako. "Crush mo ako. Ikaw ah, may hidden feelings ka sa akin," wika niya habang nakatakip ang isang kamay sa bibig. Napatawa naman ako at napailing.I smiled weakly. 'Gusto nga kita pero hindi p'wede. Pareho na tayong pagmamay-aari ng iba.'
"Makikipaghiwalay na ako kay Blake..." pabulong kong sabi bago yumuko. Naramdaman ko naman ang pagtahimik niya.
"Totoo na ba 'yan? Baka scam na naman 'yan, ayoko na pauto sa 'yo," pang-aasar niya bago ako tinabihan.
"I'm serious, Ky." Nagsimulang tumulo ang luha sa aking mata. "Hindi ko na siya mahal. Ewan ko, nagising na lang ako na hindi na siya."
"Then free yourself. Mas masasaktan siya kung mananatili ka pa na hindi na siya ang nagpapasaya sa 'yo," mahinahon niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang sarili at niyakap ang kaibigan nang mahigpit.
If I could only be a selfish, I won't share him but I can't because he was never been mine.
If I could only have the courage to confess, I'll do but I'm afraid to the possible consequences of it.
If I could only control my feelings, I will prevent myself to love him this way. I hate loving a person I know I can never have at the end.
I cried more in his arms. Ang dating takbuhan ko ay naging dahilan na ngayon kung bakit nasasaktan ako.
Kinabukasan, nakipaghiwalay ako kay Blake. I told him the truth that i fell out of love. Pero hindi ko sinabi na si Kyle ang dahilan. He's mad at me and I can't blame him because it's really my fault.
Nilayuan ko si Kyle. Hindi ako nagbalak na umamin dahil marami ang masisira sa oras na ginawa ko 'yon. Ayokong makasira ng relasyon ng iba at mas lalong ayokong masira ang pagkakaibigan na mayroon kami. Sa ngayon, ang paglayo pa lang ang naiisip kong solusyon. Because the longer we're together, the deeper I fall.
"Cali, iniiwasan mo ba ako?" he asked over the phone. Naramdaman ko ang lungkot sa kaniyang boses. Napapikit na lamang ako kasabay nang marahang paglandas ng aking luha.
I miss my bestfriend so much. I miss my favorite person.
"N-no. Bakit naman kita iiwasan?"
"I just thought. Meet tayo bukas, ah. I miss you so much, bestfriend. Namimiss ko na 'yong kadaldalan mo, 'yong pang-aaway mo sa 'kin, 'yong panghahampas mo...Huwag mo akong lalayuan, ah?" Agad kong pinatay ang tawag, hindi na napigilan ang sariling mapahagulhol. Hearing his voice, pleasing me not to leave him breaks my heart.
Hindi ako nakipagkita kay Kyle. I leave my place and went to my mother's province. Inalis ko lahat nang maaaring maging koneksyon ko sa kaniya. I deactivated my social media accounts and changed my simcard so he won't contact me anymore.
It was 11 pm in the evening, I was busy doing my paperworks when my phone beeped. It was an unregistered number. My brows furrowed as I read the message.
"If reincarnation is true, sana sa next life mo ako naman ang mahalin mo." basa ko sa text. I ignore because I thought it was just a wrong send.
After an hour my phone suddenly rangs. It was my auntie.
After I received the call, I immediately packed my things with my trembling knees and hands. My tears were keep on falling and I don't know how to stop them.
Pagkarating ko sa dating tinitirahan ay mabilis akong nagtungo sa hospital kung saan naroon si Kyle. Malayo pa lang kita ko na ang kaniyang pamilya na nagsisisiyakan sa labas ng emergency room.
"A-anong nangyari, ate?" Umiiyak kong tanong sa kaniyang kapatid. Nanghina ako nang bigla ako nitong yakapin.
"Nasaksak siya sa bar. Hinahanap ka niya at sinisigaw pangalan mo habang lasing tapos naingayan yong ibang customer kaya nagkaroon ng away. Walang laban ang kapatid ko sa mga lalaking iyon!" Hindi ako nakagalaw. Imagining how weak he was that time makes me mad.
"He loves you, Cali. Simula pa lang na maging magkaibigan kayo. But he chose not to confess because he doesn't want to ruin the friendship you built. Mahal na mahal ka niya kaya kahit paulit-ulit siyang nasasaktan, hindi ka niya maiwan." Napatakip ako ng bibig sa gulat dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid.
Sinilip ko ang walang malay na katawan ni Kyle habang sinusubukang buhayin ng mga doctor. Wala akong ibang marinig kun'di ang iyak at lakas ng pintig ng aking puso.
Tila kinapos ako ng hininga nang makita ang pag-iling ng doctor. Ayokong lumapit sa kaniya dahil alam kong hindi ko kayang tanggapin ang sasabihin niya.
Hindi ko kaya...Hindi ko kayang mawala ang taong naging sandalan at lakas ko simula noong una.
Dahan-dahan kong inihakbang ang aking paa palapit sa kaniya. Tuluyan na akong nanlumo nang makita ang kaniyang mukha. Hindi ko na napigilang yakapin ang walang buhay niyang katawan.
"Please wake up, Kyle! Bestfriend, gumising kana. Nandito na 'yong prinsesa mo. Please, huwag naman ganito oh. Hindi ko kaya..."
Paulit-ulit...Paulit-ulit ko siyang ginising pero wala na. My bestfriend, my pillow, my diary, and my comfort place leaves me.
"In another life, I would be your girl. I will never leave you again. Sa susunod kong buhay, ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin. I love you, Kyle," sambit ko bago dahan-dahang hinalikan ang kaniyang nanlalamig na kamay.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!