ART 52

3 0 0
                                    

FIRST LOVE

"Lola nawawalan na po s'ya ng time sa akin. Lagi na lang po s'yang busy. Napapagod na po ako sa kakaintindi sa kan'ya," umiiyak na sumbong ko kay Lola.

Si lola lang ang nalalapitan ko kapag ganitong problema.

"Halika nga apo." Lumapit naman ako at tumabi sa kan'ya.

"Alam mo ba na nagka boyfriend din ako no'ng mga kasi edad mo ako?" sambit n'ya habang sinusuklay n'ya ang buhok ko.

"Talaga lola? Bakit po kayo naghiwalay?" tanong ko sa kan'ya.

"I had a boyfriend when I was in highschool. 2 years n'ya akong niligawan and we were happy 'til 1st and 2nd year college. He was taking engineering course while I'm taking Education.   2nd year college ay nakakalabas pa kami at nakakapagdate not until mag 3rd year. Doon na nagstart na mawalan s'ya ng time sa akin at napapadalas na din ang aming pag-aaway. But despite of his busy schedule ay sinusuyo n'ya pa din ako at dinadalhan ng flowers and chocolates. Pero dumating sa point na napagod na akong intindihin s'ya. Nag-start akong maging cold sa kan'ya hanggang sa wala ng paramdam."

"Naalala ko pa nga noong nakipag-break ako sa kan'ya. Sabi ko pagod na ako at ayoko na pero alam mo kung anong sinabi n'ya? Sabi n'ya 'ayos lang mapagod basta walang susuko. Ginagawa ko lahat ng ito para sa future natin kasi gusto ko kasama kita hanggang sa maging successful ako.' Pero iniwan ko pa din s'ya. Late ko na nalaman na bumagsak pala s'ya sa isang subject n'ya at namatay ang daddy n'ya. Nagmakaawa s'ya at pumunta sa labas ng bahay namin kahit umuulan ng malakas pero masyado na atang matigas ang puso ko kaya natiis ko s'ya dahil naiinis pa din ako. Bakit pa s'ya babagsak sa subject n'ya kung halos wala na nga s'yang time sa akin 'di ba? But I was wrong, he always thinking of me to the point na nakakalimutan na n'ya ang mga gagawin n'ya."

It hurts seeing my grandmother like this. Mukang mahal na mahal s'ya ng lalaki.

"Ano na pong nangyari sa kan'ya?"

"Gumaraduate ako at naging isang ganap na guro. Naghanap ako ng iba, but it didn't work out. Lahat sila iniwan ako kapag hindi nagloko ay sinusukuan nnaman ang ugali ko. Sobrang layo nila sa taong unang minahal ko. Sinubukan ko s'yang hanapin then I found out na isa na s'yang successful engineer. Maayos ang buhay, may kotse at may sarili ng bahay at lupa. 'Yong bahay n'ya, 'yon ang bahay na dinesign n'ya para sa future namin noong kami pa. Gumawa ako ng paraan para muli kaming makapag-usap at para sabihing nagsisisi ako dahil mahal na mahal ko pa s'ya but I'm late. Nagluluto ako noon ng may tumawag sa akin.

"Hello? Who's this?"

"Hello Mika, How are you?"

Sobrang saya ang naramdaman ko ng muling marinig ang boses ng taong mahal ko.

"Oh napatawag ka? Kamusta?"

Galak na galak ako ng makausap ko s'ya.

"I just wanna invite you to my wedding. Yes ikakasal na ako Miks and I want to take this opportunity para magsalamat sa iyo. Salamat sa pag-iwan at pagsuko mo sa akin dahil kung hindi mo iyon ginawa, hindi ako makakapagfocus sa pag-aaral ko. To be honest, sobrang nawalan ako ng gana sa buhay. Natuto ako ng mga bagay na hindi ko aakalaing magagawa ko, ang magbulakbol at mag-inom but then I met my fiance. She's been there mics, noong namatay si daddy na dapat ay ikaw ang masasandalan ko pero iniwan mo pa ako. Sobrang understanding n'ya at never n'ya akong sinukuan. Sinamahan n'ya ako hanggang maging successful ako."

"L-leo."

"Pero lahat ng pangarap ko para sa atin, Miks. Natupad ko hindi nga lang ikaw ang kasama ko. I'm not saying all of these dahil gusto kong manumbat kundi para magpasalamat. Thank you for being a part of my life. I want you to let go of the past Miks. I know you still love me. Pakawalan mo na ang sarili mo at magsimulang muli. Aasahan kita sa kasal ko. I wish the best life to you. Goodbye."

Para akong dinudurog sa kwento ni lola. Kita ko naman ang pagpatak ng luha sa kan'yang mata.

"Sobrang sakit ng malaman ko 'yon. Pero sinumulan kong bumangon. After 3 years ng pagmomove on ay nakilala ko ang lolo mo. Kaya kung magmamahal ka Joys matuto kang umintindi. Kung ano man ang pinagdadaanan n'ya intindihin mo at 'wag sukuan. Ikaw ang higit na makakaunawa sa kan'ya. Stay at his side, kahit sa hirap at saya. 'Wag mong hintayin na may pagsisihan ka pa."

Kung nasaan man ang ang taong unang minahal ni lola, he really deserves to be loved.

Noong gabing iyon ay nakatulog ako sa tabi ni lola.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now