I'M CHEATING WHILE HE'S DYING
"Kumain kana ba? Kadadating ko lang din, gusto mo ipagluto kita?" Napangiti ako nang marinig 'yon mula sa kaniya.
Hindi pa rin siya nagbabago. Parang lahat ng pagod ko ay nawala. Alam kong pagod rin siya galing sa trabaho kaya lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng mahigpit na yakap.
"Ikaw, kumain ka na ba?" malambing kong tanong sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang kamay sa kaniyang balikat.
Ngumiti ito at kinuha ang aking mga kamay. "Hinintay kita eh. Maupo kana diyan dahil ipagluluto muna kita."
He planted a kiss on my forhead before he left. Pinanood ko siyang maglakad papuntang kusina.
Axel has been my husband for three years and yet we still not given a chance to have a baby. Maybe its not our time yet.
Hindi ko rin naman minamadali dahil alam kong pareho kaming busy sa aming trabaho.
He's a responsible husband. I never felt as an option over her work because I am always his priority. Hindi niya ako pinapabayaan. Hindi lumilipas ang isang araw ng hindi niya ako kinakamusta, tinetext o tinatawagan. I'm just glad na sa dinami-rami ng nagkakagusto sa kaniya ay ako ang napili niyang pakasalan.
"Maylie, hindi ka ba susunduin ng asawa mo?" tanong ng isa sa mga katrabaho ko.
Mabilis na gumuhit ang ngiti sa aking labi. Marahil ay nasanay na rin sila na lagi akong sinusundo ng aking asawa.
"Hindi siguro, baka may ginagawa pa."
Niligpit ko na ang mga gamit ko para sa pag-uwi.
"Hindi ka ba magpapaalam kay boss? Baka hanapin ka n'on. Alam mo naman..." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
Sekretarya ako ng isang business owner sa isang kompanya. Wala akong problema sa aking boss bukod sa pagpapakita nito ng motibo sa akin.
Huminga ako ng malalim bago nagpasyang pumasok sa kaniyang office.
"Sir, uuwi na po ako," pagpaalam ko rito. Prente lamang itong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang pinagmamasdan ang aking kabuuan. Bahagya akong nakaramdam ng pagkailang.
"Susunduin ka ba ng asawa mo ngayon?" tanong nito habang hindi inaalis ang paningin sa akin. Para akong hinihigop ng kaniyang mga mata.
Hindi maipagkakaila na napakakisig ng aming boss kung kaya naman marami ring kababihan ang naghahabol sa kaniya. Hindi ko lang mawari kung bakit naagaw ko pa ang atensyon niya gayong mayroon na akong asawa.
"O-po, Sir," pikit-mata kong sagot bagamat hindi sigurado.
"You may go, now. Take care, Maylie."
Pagkalabas ko sa opisina ay siya namang pagtunog ng aking cellphone. Dali-dali akong lumabas ng building nang malamang nasa labas na ang aking asawa.
Malayo pa lang ay tanaw ko na siya. Nakasandal ito sa aming kotse habang magkakrus ang mga braso. Ang kaniyang puting polo ay nakatupi hanggang siko. Para siyang artista sa kaniyang tayo.
Pansin ko ang mga babaeng humahaba ang leeg sa katitingin sa kaniya. Hindi na ako magtataka dahil napakaperpekto nitong tingnan. Halos na sa kaniya na ang lahat.
"How are you? Pinormahan ka na naman ba ng boss mo?" Nakakunot noo niyang tanong nang makalapit ako.
Marahan ko itong hinampas bago nginitian. "Wala 'yong ubra sa asawa kong bukod sa mukhang artista, mahal na mahal ko pa."
Mabilis na kumurba ang ngiti sa kaniyang labi. "Bolerang babae. Let's date. Mukhang nawala ata lahat ng pagod ko."
Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa isiping maraming naiinggit sa akin dahil may ganoon ako na klaseng asawa ay napakasarap na sa pakiramdam. Alam kong magiging mabuting ama rin siya sa aming mga magiging anak.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!