I CHANGED HIM INTO A MAN
"Ashton, stop being a playboy. Kailan ka ba magbabago?" matigas na wika ko sa kaniya. Napangisi naman siya bago ako nilapitan.
"Let me court you and I'll stop," saad nito kaya bahagya akong napaatras.
Tumingin ako sa paligid dahil baka may makakita sa amin. Bahagya ko siyang tinulak nang masiguro kong wala.
"Wala akong panahon sa ganyang bagay, Ashton," malamig kong sambit bago siya iniwan.
Kinakabahan kong nilisan ang lugar na 'yon. My heart is beating faster. I can't deny that I'm slowly falling for him but I won't let myself. He is known for being a playboy and a troublemaker. Wala akong kinabukasan sa kaniya.
Dumaan ang araw at napapansin ko na wala na siyang kasamang babae. I don't know if it's beacuse of me but i feel so happy. He did change. Maybe, sawa na siya sa kakapangaral ko kaya tumigil na sa pambabae.
"What is your problem at nakipag-away ka sa isa pa ring mga basag-ulong 'yon!" bulyaw ko sa kaniya habang ginagamot ang sugat na natamo sa kaniyang labi.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin. He's crying and I don't know why I let him hug me.
"W-what happened, Ash?" Tanong ko sa kaniya bago dahan-dahang itinaas ang aking kamay para itahan siya. I feel hurt seeing him like this.
"Wala na si mama. Wala na siya. I hate your God for doing this to me," mahina niyang saad na lalong nagpadurog sa akin. I can't help but to cry.
"Don't blame God. He has his reason. Maybe kaya nangyayari 'yan sa 'yo ay dahil may rason siya." Kumalas naman siya pagkakayakap.
"I don't trust him anymore," wika niya na ikinainis ko. Kahit kailan talaga ay hindi siya nakinig sa akin.
Iniwas ko ang aking tingin dahil hindi ko matagalang tumitig sa kaniyang mga mata.
"You have to trust him, Ash. Sinusubok ka lang niya," ani ko. Rinig ko ang mahina niyang pagtawa.
"Hindi pa ba pagsubok 'yong pagreject sa 'kin ng paulit-ulit ng taong mahal ko?" Agad akong ginapangan ng kaba dahil sa sinabi niya. I felt so guilty. Gusto ko siya pero pinipigilan ko ang sarili ko.
"C-condolence, Ash," saad ko bago dali-daling tumayo at iniwan siya doon.
After that day ay napag-isip isip ko na payagan siyang manligaw. Kitang-kita kung gaano siya kasaya. Alam kong matagal na niya 'tong gustong mangyari.
He's sweet at masayang kasama. Madalas ko siyang dinadala sa simbahan na lagi niyang ikinaiinis. He's always in my prayer because I know he stopped believing in God. Hanggang sa napansin ko na sumasabay na rin siya sa akin habang nagdadasal.
I smiled when I saw him closing his eyes while praying beside me. I wonder what his prayer all about. Hindi ko naman namalayan na may luha sa mata ko kaya agad ko 'yong pinunasan bago pa niya makita.
Nagbalik loob na siya sa panginoon.
"Mag-aral ka ng mabuti. Ang bababa ng grades mo. Graduating ka pa naman," wika ko na ikinanguso niya. Lihim akong napangiti. He's so cute.
"Ayoko na mag-aral nakakapagod lang," sagot niya na ikinakunot ko.
"What?"
"Joke lang. I-tutor mo kasi ako para naman sipagin ako. I can't understand them. Ikaw lang kasi laman ng isip ko kapag nasa school," aniya. Agad naman akong pinamulahan. Why he's like this?
"Fine. I'll teach you but make sure na makakapasa ka sa lahat," banta ko na ikinatuwa niya. He was about to hug me but I pushed his face reason for him to laugh.
"Isa lang. Ang damot talaga," rinig kong bulong niya na ikinatawa ko.
Hindi ko alam na seseryosohin niya ang sinabi ko. Tinuruan ko siya sa mga subject na hindi niya alam and I'm very glad na nakakapasa at nage-excel sa klase. I feel so proud.
"C-congratulations, Ash. You did it!" My voice cracked. I saw the tears fall from his eyes. Ang sakit na makita siyang ganito.
"You're so unfair. Tuso ka din pala, ma'am. You used my feelings para mabago ako. And I'm very thankful for that. Alam ko naman eh. Alam ko naman na wala kang balak na sagutin ako because in the first place hindi mo naman ako gusto," umiiyak niyang saad na lalong nagpadurog sa akin. I love him but it's forbidden. I'm his teacher and he's my student.
"I-I'm sorry. I just want the best for you. I love you but as my student only." Pagak siyang napatawa bago ako lumuluhang tiningnan. I hate myself for lying. I love him not just a student.
"Paasa ka, ma'am," wika niya bago tuyang umalis...sa buhay ko.
He did change. I made him changed. The boy I used to see playing girls heart is now very faithful and contented with one. The boy who used to hate God is now kneeling and praying for the blessing he received. The boy who don't know the word 'study' is now successful in life. And I'm very proud that it is because of me.
It's been 4 years and I'm still locked with the past. He's now happy and contented with his family and life.
Sariwa pa din lahat ng sakit. I still love my student hanggang sa hindi ko namalayan na tumanda na pala akong mag-isa. I smiled as the tears fell from my eyes.
"I changed him into a man for another woman."
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!