ART 69

3 0 0
                                    

RUINED DREAMS

"Hey, What are you doing here?" Tinapunan niya lang ako ng tingin at mabilis na umalis.

Lagi ko siyang nadadatnan dito sa artclub room namin--mataman na nagmamasid sa mga paintings and drawings na nakapaskil. Sa tuwing nilalapitan ko naman siya at tinatanong ay basta na lamang akong iniiwan. I don't know if he wants to join on our club or mayroon lamang siyang hinihintay.

"Did you know him?" I asked one of my classmates dahil nacu-curious na ako sa kaniyang pagkatao. He's like a puzzle for me that I need to solve.

Napatingin naman ang kaklase ko kung saan siya naroon.

"Ah, his name is Kurt. If I am not mistaken, he's the most popular artist here in school. Napakagaling daw niyang artist noon to the point na bawat artworks niya ay nananalo sa contests." Ang kaninang kuryusidad ay mas lalo lamang nadagdagan.

"Bakit tumigil siya?"

"Because of an accident. We really don't know the story basta after niyang masangkot sa car accident ay hindi na siya nagpinta pang muli." Muli kong pinagmasdan ang lalaking nagngangalang Kurt. Many questions come in my mind right now.

"Ah I see, maybe he has a reason. Thank you, Kaye."

From that day, I'm started to investigate things about him. Kung sino-sino na ang pinagtanungan ko tungkol sa kaniya but katulad ni Kaye, limitado lamang ang nalalaman nila. Kaya naman no'ng isang araw na maabutan ko siya ay hindi na ko nagdalawang isip na tanungin siya.

"Why did you stop?" Napatigil siya sa paghawak sa painting na pagmamay-ari ko. Walang ekspresyon niya akong hinarap.

"Wala kang pakialam." Pagkatapos noon ay iniwan niya ako.

Napakailap niya sa tao. I don't even see him with his friends kung mayroon nga ba. That's why It gives me eager to know him more. To know his life.

While I was walking along the corridor I saw him talking to a girl. I can't clearly see the girl dahil nakatalikod ito pero napakalinaw sa aking mga mata ang galit na ekspresyon ni Kurt. Ngayon ko lamang siya nakitang ganoon. Nakakatakot. Tila ba napakalaki ng galit niya sa babae.

Mabilis kong sinundan si Kurt matapos niyang talikuran ang babae. I don't know what's happening to me dahil kung tutuusin ay wala naman akong nalalaman sa nangyayari but my mind keeps on shouting na sundan ko siya. I know he needs me now.

Dinala kami ng aming mga paa papunta sa artclub room. Nagulat ako nang isa-isa niyang tanggalin ang mga paintings na nakadikit doon. I ran towards him and stopped him.

He's crying pero sa halip na maawa ay galit na mukha ang ibinigay ko sa kaniya. Wala siyang karapatan na sirain ang mga bagay na pinaghirapan namin ng mga kasama ko.

"What's your problem? Kung may pinagdadaanan ka huwag mo kaming idamay!" I shouted at him but he just ignored me. Nagpatuloy lamang siya pagsira ng mga 'yon hanggang sa dahan-dahan siyang napaupo. It breaks me seeing him in this situation. I feel pity for him.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Umupo ako sa kaniyang harap ngunit nang tinangka ko siyang hawakan ay tinabig niya lamang ako. Galit na tiningnan niya ako habang may mga luha sa mata.

"Get out from my sight at baka hindi ako makapagpigil," malamig nitong turan dahilan para mapatayo ako.

"Just say your problem and I will never disturb you again."

"Umalis kana, kung ayaw mo ako ang aalis." Sa halip na pansinin ako ay tumayo ito at akmang aalis na pero agad ko siyang pinigilan.

"Ano bang kasalanan no'ng babaeng 'yon sa 'yo at nagkakaganyan ka!"

"Because he ruined everything! He ruined my life! He ruined my dreams! He killed the last person in my life!" Umiiyak na bulyaw nito dahilan para mapipi ako.

"Wanna know why that girl came here a while ago? To give me money. She offers money to buy my dreams. Sinira niya ang pangarap ko! Simula no'ng araw na masagasaan niya ang motor na minamaneho namin ng daddy ko, naging miserable ang buhay ko. Namatay ang daddy ko at hindi ko na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na makapagpinta dahil tinanggalan niya ang mga kamay ko ng karapatan. I can't no longer use my hand. I can't create a masterpiece anymore. Alam mo bang pangarap kong maging isang sikat na artist? Pero wala na. My dreams were gone. Now tell me, kaya niya bang bilhin ang pangarap na ipinagkait niya sa akin?"

I slowly walked towards him and touched his face. Hindi ko makontrol ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata habang nakatingin sa lalaking nasa aking harapan. He's crying and I know that no words can describe to the pain he's feeling right now.

He held my hand dahilan para mas lalo akong madurog.

"Stop it, Hannah. P'wese bang umalis kana sa buhay ko? I distanced myself from you because I'm afraid that I might fall dahil sa tuwing nakikita kita, naalala ko lamang ang babaeng minsan nang naging paksa ng aking mga likha." Tuluyan na akong napaupo at napahagulhol nang bitiwan niya ang aking kamay at talikuran ako.

The girl he was pertaining is my twin. Kurt is my twin's boyfriend back then but because of me, they broke up. He doesn't know that I am the driver of that car when that accident happened. Pinagtakpan lamang ako ng aking kakambal dahil ayaw niyang kamuhian ako ng lahat.

Yes, I am the one who ruined his life. I am the one who ruined his dreams.

I stole his greatest masterpiece.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now