RED STRING
Sabi nila may mga tao talagang nakatadhana para sa isa't-isa at naniniwala ako doon. May mga pagkakataon pa nga na akala natin sila na pero hindi pa pala. May ibang tao pa palang nakalaan para sa atin.
I am Hera. And I can see the red string that connects two people. Hindi na bago sa akin 'yon. Sa mga taong nakakasalamuha ko, tanging advice na lang ang nasasabi ko. Minsan pa nga ay nagiging matchmaker pa ako but I know I don't have to do that dahil sa huli sila pa rin naman para sa isa't-isa.
"Goodmorning, my sunshine!" Napairap ako nang marinig ang boses na 'yon.
"Wala akong panahon sa mga trip mo, Way. Get lost at nag-iinit ang ulo ko sa 'yo." Mabilis kong iniligpit ang aking mga gamit ngunit bigla niya 'yong inagaw sa akin.
"Ang hot ko kasi eh," wika niya bago naunang maglakad habang sumisipol sipol pa. Wala na akong nagawa. Sumunod na lang ako sa kaniya.
Napatitig ako sa kaniyang kamay. Tinitigan ko ang kamay niya kung saan naroon ang pulang taling nagdudugtong sa amin. Yes, I am the person who destined to be with him. I smiled with the thought. Hindi din naman masama na sa kaniya mapunta.
"Kailan ka ba kasi maniniwala sa akin?" Nakanguso niyang wika habang sumasabay kumain sa akin. Lihim akong napangiti.
"I know you, Way. Napakababaero mo. Ni hindi ka nga marunong bumili ng napkin para sa girlfriend mo eh," asar ko dito na ikinanganga niya.
"What? 'Yon lang ang problema mo. You should've told me early. I can buy you kahit ilan pa ang gusto mo, my sunshine," pagmamayabang niya. Iniisip ko pa lang na siya ang mapapangasawa ko parang mamomoroblema na ako.
"What the heck, Way! Bakit may dala kang ganyan?" Natatawang saad ko habang nakatitig sa mukha niyang pulang-pula. Para itong diring-diri sa dalang boquet of napkins. Ano bang naisip ng lalaking 'to?hahaha. But I find it sweet.
"I told you. I'm serious to you, Hera. This is not a joke or trip anymore. I want to court you. No. I'll court you whether you like it or not," seryosong saad niya kaya naman nagsitilian ang mga babaeng nanonood sa amin. Siguradong ako naman ngayon ang pulang-pula.
Dumaan ang ilang buwan at patuloy pa rin ang panliligaw ni Way. Alam kong kami pa rin naman sa huli. I just love teasing and watching him doing cute things. Katulad noong isang araw, nagsuot siya ng color pink na damit dahil paborito ko daw 'yon. Tawa naman ako ng tawa kapag inaasar siyang bakla tapos mapipikon siya.
"Hindi ka ba napapagod?" I asked him while we're heading to my home. Lagi niya naman akong hinahatid pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong.
"Because I love you. I would love to do stupid things everyday if it makes you happy," he replied while smiling. Hindi ko naman mapigilang humanga sa kaniya. God gave me a right man. Sa loob ng ilang buwan na kasama si Way, I can't deny that I'm slowly falling.
Tumigil ako at nakangiti siyang hinarap. "Thank you, Way. Meet me at the park tomorrow. I have something to tell you. Goodnight," I gave him a quick kiss on his cheek. Naramdaman kong nanigas siya kaya dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso. I heard him shouting something outside.
Hindi ako nakatulog kagabi sa sobrang pag-iisip. My hands are cold. I felt so nervous. This is the day I will say yes to Way. I will confess my feelings to him. Tama na ang paghihintay niya.
Kinakabahan akong lumapit sa nakatalikod na lalaki. This is it. Nakangiti ako tumigil sa likod niya.
"Sinasagot na kita. I love you, Way," sambit ko sabay naman na tumunog ang kaniyang cellphone. I guess he didn't hear what I've said. Sinagot niya 'yon.
"Hello?" sagot niya sa tawag bago humarap sa akin. Nagulat ako nang unti-unti niyang bitawan ang cellphone hanggang sa tuluyan na itong nalaglag. Nanghina ako nang makita ang tuloy-tuloy na pag-agos ng luha sa kaniyang mga mata. Napaupo ito habang humahagulhol. My man is crying.
"Kawawa naman 'yong babaeng nabangga kanina. Dead on arrival daw," narinig kong sabi ng babaeng malapit sa amin. Then it hits me. I tried to wipe his tears but it's nonsense. I can't touch him anymore.
Tinaas ko ang aking kamay at malinaw kong nakita ang unti-unting pagkawala ng pulang tali na nagdudugtong sa aming kapalaran. Hindi na ako makahinga dahil sa sakit na nararamdaman.
Mabilis kong natanaw ang isang taong tumatakbo at mabilis na niyakap si Way. She hugged my man.
"W-wala na siya. Wala na si Hera," saad ni Way na dumurog sa akin.
Para akong sinampal ng katotohan. I died. Namatay ako nang hindi ko man lang nasasabi kung gaano ko siya kamahal.
"Shhhh, I know she's now at peace," my bestfriend said. Muli akong napaiyak.
How can I be at peace knowing that my man is now destined to someone else? I saw it. The red string between my bestfriend and my man.
Mapait akong napangiti. Masakit pa lang makita na ang taong mahal mo ay nakalaan na para sa iba.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!