I BECAME SUCCESSFUL BUT I LOST HIM
"Love, why do you love me?" I asked him out of the blue.
"Lagi mo na lang 'yan tinatanong sa 'kin. Tulad nga ng lagi kong sagot, It's because I love you. No words or things can explain and measure it,Love," nakangiti niyang sagot.
Tumingala ako para makita siya. He hugs me behind and kisses my forehead.
"I love you. You're the most beautiful thing that came into my life." Namuo na naman ang luha sa aking mga mata. Pasimple ko itong pinunasan.
"Para ka namang mamamaalam niyan, Love," natatawa niyang saad. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim bago ko siya hinarap.
His smile vanished and his expression became worried.
"What happened, Love?" taranta n'yang wika habang pinupunasan ang luha sa 'king pisngi pero wala itong epekto dahil patuloy lang ang pag-agos nito.
"I accepted the offer. Ala---"
"Damn Joy! Sabi ko sa 'yo na huwag mong tanggapin 'di ba? But you still disobeyed me." Napahagulhol ako nang makita ang galit niyang mukha. Alam kong ito ang pinaka-ayaw niyang mangyari.
"I have to, Dan. Ito na 'yong opportunity oh. Siya na ang lumalapit and I can't let it passed," pagpapaliwanag ko nagbabakasakaling maintindihan niya.
"But you can let me go. Fine, I'm breaking up with you. You chose your career than me and I think I can't change it," he seriously said that made my heart shattered. He stared at me, blankly.
"Babalik ako, Love. Babalikan kita pangako," umiiyak kong sabi at niyakap siya ng mahigpit.
"I'll wait," malamig niyang tugon bago ako iniwan.
Its been 2 years since we broke up and accepted the opportunity to work in abroad. Umalis ako ng Pilipinas at tinanggap ang offer bilang isang model. And yeah, I became successful. We don't have communication simula ng umalis ako but I'm still holding for what he said that he'll wait me. I know you'll wait for me.
Huminga ako ng malalim at malawak na ngumiti. Masaya kong sinalubong ang aking mga fans and supporters. It's good to be back. Kamusta kana kaya? I can't wait to see you. I can't wait to hug you. I can't wait to kiss you. Wait me, Love. Ngayong nagbalik na ako, I'll never leave you again.
I went to our favorite coffee shop. Marami na din palang nagbago. Ikaw din kaya? Napangiti ako nang maalala kung gaano kami kasaya habang umiinom ng paborito naming kape habang masayang nag-uusap. I miss you so much, Dan.
"Ms. Precious? OMG, ikaw nga! Can I have your signature? Sobrang idol ko po talaga kayo at ang ganda-ganda niyo po pala talaga sa personal." Nagulat ako sa sinabi ng babaeng sumulpot bigla sa harapan ko and she's pregnant?
"Nagpapaka-fangirl na naman si Mam."
"Ang cute naman ni Mam."
"Hala, baka hinahanap na naman 'yan ni Sir."Napatawa ako sa mga naririnig ko sa aking paligid. I think they're pertaining to this pregnant woman in front of me. Napangiti ako at kinuha ang dala niyang pen and my picture.
"God Grace, I told you to wait me there." Napatigil ako nang marinig ang boses na 'yon. Nagkatinginan kami at mababakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha ngunit agad niyang ibinalik ang tingin sa babae.
"Ehh kasi---"
"Lets go baka mamaya mapa'no pa kayo ni baby." He worriedly said to the woman.
"Excuse us, Miss. Makulit talaga 'tong asawa ko."
Nanginginig ko silang pinagmasdan habang inaalalayan niya ang babae. Para namang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit. He said he'll wait for me, right? But why? Hindi ko na napigilan pa kaya agad akong nagtungo sa CR.
Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi niya ako hinintay. I'm such a fool for having a falsehope. Sino ba namang tanga ang maghihintay ng dalawang taon? Siguro nga ang tanga-tanga ko.
Pagkatapos kong umiyak ay inayos ko na ang sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan. I was shocked when I saw him standing there while leaning on the wall. Napaayos siya at napangiti nang makita ako. Mabuti na lamang at may suot akong shade. He won't see my eyes.
"Kamusta?" Pinuntahan niya ba ako para mangamusta? Para i-explain sa 'kin na hindi niya asawa 'yong buntis na babae kanina? Gosh Precious, umaasa kana naman.
"Fine, how about you?" Alam kong alam niyang peke ang ngiting ibinigay ko.
"Happy married and soon will have a baby." Hindi ko na napigilan at napaluha na naman ako. Kita ko ang pagdaloy ng lungkot sa kaniyang mga mata.
"I thought you'll wait for me. A-akala ko mahal mo ako, but ano 'to? Bakit kasal kana at magkakaanak pa?" umiiyak kong sumbat sa kaniya.
Huminga naman siya ng malalim at mariin akong tiningnan.
"Yes, I did love you. I've waited you like what I've said. But to make it clear to you, Oo, sinabi kong hihintayin kita pero hindi ko pinangako na pagbalik mo mahal pa din kita."
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!