PERFECT TIME
"Are you ready?" my bestfriend asked me.
Kinakabahan naman akong napatango. After so many years, muli ko na naman siyang makikita.
"Alam mo ate, para kang tanga. Ako 'yong ga-graduate pero mas kabado ka pa." Sinamaan ko naman ng tingin ang aking kapatid dahil sa kaniyang sinabi.
Hindi naman talaga 'yon ang ikinakakaba ko. May iba lang dahilan.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari noon. Kung paano niya ako laitin at ipagtabuyan.
Nanginginig kong iniabot sa kaniya ang isang bote ng tubig at sandwich na ginawa ko.
"I told you to stop doing this, Dana. I don't like you and I never do," malamig niyang sabi bago ako iniwan sa kahihiyan.
Eris is my ultimate crush. I always make a move para mapansin niya at magustuhan but it turned out na mas lalo lang siyang lumalayo.
Araw-araw akong nag-iiwan ng letter sa desk o locker niya. Hindi ko siya nakakalimutang bigyan ng regalo sa mahahalagang okasyon sa buhay niya. Halos maging nanay na niya ako na nagpapaalala ng mga bagay na dapat niyang gawin sa araw-araw. Dumating pa sa puntong naga-guidance ako para lang makita siya.
Yes, I am crazy inlove with him. But all my efforts and sacrifices were nonsense. Dahil kahit kailan ay never niya akong pinansin. Never niyang naappreciate. I'm always nothing to him.
Ako na ata ang pinakamalas na babae dahil kahit kailan ay hinding-hindi magugustuhan ng taong gusto niya. Sobrang sakit na alam mo sa sarili mo na kahit gaano mo siya kamahal hinding-hindi mo siya makukuha.
"May mahal na akong iba. And besides, I don't deserve a young lady like you na wala pang nararating sa buhay."
'Yon na ata ang pinakamasakit na salita ang narinig ko sa buong buhay galing sa taong mahal ko.
Kaya simula noon, pinagbuti ko ang pag-aaral. Naging honor student ako. I want to prove to him that he's wrong for rejecting a girl like me. I admit, he's the main reason of what I am today. A successful and strong woman.
Marahil ay siya rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa.
And after so many years, he's now standing infront me.
"Congratulations, Mike. Kasing talino ka nga ng ate mo," bati niya sa kapatid ko.
Damn, his smile never changed.
"Let's go, Mike." seryosong sambit ko bago tumalikod sa kanila. I can't stand there too long because i feel like anytime ay matutumba ako.
"I think this is the perfect time," mahinang wika niya na nakapagpatigil sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang pumunta sa harapan ko.
"Do you still remember what i've said to you that I don't deserve a young lady like you?" aniya na ikinakunot ko.
"Syempre, malinaw na malinaw sa akin 'yon at pinagsisisihan kong hinabol-habol pa kita noon," pagalit kong sagot sa kaniya at mas lalo lang akong nainis ng tumawa siya.
"Good to know. You're now a woman," he commented. I was about to walk when he kneels in front of me.
"I don't deserve a young lady because I need a woman. And now, you're already a woman. It's our perfect time. I don't like you because I love you, Dana. Noon pa man. May mahal akong iba at ikaw 'yon. Your best version of yourself in the future and this is it. I waited you." Nilabas niya ang singsing dahilan para tumulo ang luhang kanina pang nagbabadyang tumulo.
I haven't imagined that my long time crush is now kneeling infront me.
"SPO3 Dana Gonzales, will you marry me? Are you willing to accept this man who dumped you many times in your life?"
Mabilis akong tumango bilang sagot. He's still the man I want to have.
"Yes, Professor Eris."
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
AcakThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!