"I'm sorry Lea. Hindi na ako masaya sa relasyon natin. Tapusin na natin 'to," saad ng lalaking pinakamamahal ko.
"No! No Ethan. I c-can't."
Sa halip na harapin pa siya ay agad akong tumakbo palayo sa kaniya, sa taong mahal ko.
Natatakot ako sa mga maaari niya pang sabihin. Masyado nang masakit at nakakadurog.
Tumigil ako sa paborito naming lugar at doon umiyak.
"Masakit hindi ba?" Napaangat ang tingin ko nang magsalita si Ria, matandang dalagang nagtitinda ng sampaguita.
"Ria, ayaw na niya sakin," parang batang sumbong ko dito.
Lumapit naman siya at niyakap ako na lalong nagpaiyak sa akin.
"Tingnan mo ang mga ibon Lea, napakagaganda nila 'di ba?"sambit niya kasabay ng pagturo sa mga ibon.
Tumango naman ako bagamat naguguluhan.
"Kapag nakakahuli ka ng magandang ibon hindi ba't ikinukulong mo?Pero kapag nakita mo na itong nahihirapan sa kulungan ay pinapakawalan mo rin dahil sa awa," wika n'ya habang pinagmamasdan ang langit at nagliliparang ibon.
"Bakit sinasabi mo 'to sa akin?"
"Dahil para lang itong pagmamahal. Kung mahal mo ang isang tao, minsan kailangan mo rin s'yang pakawalan para sa kanyang kalayaan lalo na kung hindi mo na s'ya nakikitang masaya sa piling mo. Dahil ang tunay na pagmamahal nagpaparaya. Handa kang masaktan makamtan lamang n'ya ang kan'yang kasiyahan."
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!