DREAM INTO REALITY
"Mommy, makikibukas naman po ng TV. May interview ngayon 'yong favorite writer ko," sigaw ng aking anak mula sa kusina.
Napangiti ako. She's really like me when I was young.
Binuksan ko nga ang TV like what she said. Muli akong bumalik sa pagliligpit ng kalat nang mapatitig ako sa kaniyang mukha. Maging sa telebisyon pala'y napakagwapo niya rin. Walang pagbabago,simula noon hanggang ngayon.
Namalayan ko na lamang sarili kong nakaupo at naluluha siyang pinapanood.
"Ang gwapo niya talaga, mommy!" Agad kong pinahid ang luha sa aking mga mata nang tumabi sa akin ang aking anak.
"Since, it's your first interview dito sa aming show ay susulitin na namin ang pagkakataon. First question, who inspired you to write?" Tanong sa kaniya ng host.
"Actually, I just write what's going on my mind back then. No inspiration, basta sulat lang nang sulat but then I've met this noisy girl. We became seatmates at walang araw na hindi niya binabanggit ang mga kwentong nababasa niya. Nakakarindi ang kadaldalan niya but as time goes by, nagiging musika na ito sa aking pandinig. I still remember, pinagmamalaki niya sa akin ang favorite writer niya without knowing na ako 'yon. From that day, she became my inspiration in every story na ginagawa ko." My tears started to fall but I wiped it immediately. I can't help but to cry. I'm so stupid na nagawa ko siyang bitawan noon.
"Ang swerte talaga no'ng babae, 'di ba, mommy?" Napalingon ako sa aking anak at ginulo ang buhok nito.
"Sobra."
"Nakakakilig naman. So, nalaman niya bang ikaw ang hinahanggan niyang writer?" Kita kong maging ang host ay naiintriga na rin sa kwento niya.
"No. Wala din naman akong balak. Ayoko kasing magkakagusto siya sa akin dahil lang sa malalaman niyang ako ang favorite writer niya. Ang besides, engineer naman ang gusto niyang mapangasawa at hindi isang writer." Para akong nakonsensya dahil sa sinabi niya. Napakademanding ko nga pala no'ng time na 'yon at hindi ko man lang naisip ang nararamdaman niya.
"Wow! Niligawan mo ba siya?"
"Yes. Naging kami for almost 3 years but she broke up with me. Iniwanan niya ako dahil wala na kaming time para sa isa't-isa. Simula din noon ay naging malungkot na ang bawat istorya na aking ginagawa. I even stopped from writing." Hindi ko na napigilan at napaiyak na naman. Bakit ko pa nga ba siya iniwan noon kung nasa kaniya na ang lahat?
"That was so sad. By the way, where's the lucky girl, now?" A genuine smile flashed on his face.
"She's now married to an engineer," saad nito nang walang bahid ng lungkot.
"You mean, hindi kayo nagkatuluyan?" Napatawa naman siya ng bahagya dahil sa reaksyon ng host.
"I mean, she married an engineer slash writer. And that's me. Yes po, Nagkatuluyan po kami at mayroon na po kaming isang anak," nakangiting sagot niya.
Hindi ako nagkamali na binalikan ko siya. I never imagined that I am going to marry my favorite writer dahil akala ko ay hanggang sa mga kwento na lamang 'yon mangyayari.
"Kaya si daddy ang number one favorite writer ko, eh. Mommy, I want to marry a man like him. Engineer na, writer pa." Napatawa ako sa sinabi ng aking anak.
I am really lucky to have this man. Sa dami-dami ba namang readers niya, sa akin pa rin siya napunta.
And I'm very proud na hindi lang isang engineer ang napangasawa ko, maging ang favorite writer ko rin. Looks like, my dream turned into reality.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!