ART 61

3 0 0
                                    

OUR STORY

"Hoy Dannette, pautang ng lima!" sigaw ko sa kaniya.

"Ayoko nga. Nambuburaot ka na naman 'no?" aniya.

"Dami pang reklamo,magbibigay kaba o hindi?"

"Ito na nga oh, sampung piso pa nga," nakanguso niyang wika na ikinangiti ko.

-
"Dannette panget, pahingi namang papel."

"Kokonti na nga papel ko hihingiin mo pa," nakanguso niyang saad.

"Ang damot mo naman. Sa iba na nga lang ako manghi---"

"Oh ayan na, kumuha kana." Napangiti naman ako dahil sa inasal niya.

"Dami pang satsat magbibigay din naman pala."

"Pasalamat ka talaga crush kita," mahinang bulong niya pero sapat na para marinig ko.

"Ano?"

"Wala."

-
"Panget pahinging sagot," bulong ko sa kaniya habang nag-eexam kami.

"Napapala mo, hindi ka kasi nagre-review," sermon niya pa sa akin.

"Bilisan mo na lang baka mahuli pa tayo ni ma'am."

"Tss. Ito na nga, 'wag ka lang talaga papahuli kay ma'am at makakalbo talaga kita."

Napangiti naman ako nang muling inalala ang aming istorya.

"Hindi ko akalain na pati pala puso mo ibibigay mo din nang hingiin ko ito." nakangiting saad ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

Marahan kong hinawakan ang kaniyang nanlalamig na kamay.

"Marupok ka talaga love. Noon pa man hindi mo na ako matiis."  sambit ko habang nakatingin sa kaniya.

"You know what love? You're so unfair. Limang piso, papel at sagot sa exam lang ang hiningi ko pero ikaw, puso ko 'yong nakuha mo." Hindi ko na napigilan pa ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

"A-at alam mo kung ano ang mas masakit? Iniwan mo ako at hindi mo na ibinalik pa."

Napahagulhol ako nang muli kong yakapin ang kabaong kung saan naroon ang kaniyang malamig na bangkay.

"W-wake up panget! O-r just please t-take me with you," nanghihinang wika ko habang mahigpit na niyakap ang kaniyang kabaong.

Kung kailan handa na akong ibigay sa 'yo ang lahat 'saka mo pa ako iniwan.

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now