ART 82

2 0 0
                                    

THERE'S NO US

"Mica, pakicheck naman ng grammar ko," seryoso niyang saad habang inaayos ang iba pa naming proyekto. I stopped on what I'm doing. My lips formed a smile as I stared at him.

Kinuha ko ang papel na inabot niya sa akin bago iyon binasa. I noticed some grammatical errors but the content really amazed me.

"Sana all tapos na," pagpaparinig ko sa kaniya. His gaze shifted on me. Para akong hinihigop ng mapupungay niyang mga mata. Agad akong nag-iwas dahil sa lakas ng tibok ng aking puso. He has really effect on me.

"Dapat kasi tinatapos mo muna 'yang sa iyo bago mo tulungan ang iba," naiiling niyang wika na nakapagpanguso sa akin. I know he has a point but I can't change myself. Nakasanayan ko na talagang unahin ang iba bago ang sarili ko.

Tumayo ito upang magpasa ng mga natapos na papel ngunit agad ding bumalik. "Akin na, ako na ang gagawa ng iba. Pasaway talaga."

Halos mapunit ang aking labi dahil sa lawak ng aking ngiti. Hindi niya talaga ako matiis.

I still remember kung paano kami naging malapit sa isa't-isa. He transferred in our school when I was in Grade 8. All eyes were on him. Mababakas sa mata ng lahat ang paghanga sa kag'wapuhan niya. Little did he know, I'm one of them. Crush? I think it is. Ngunit hindi ko 'yon sineryoso. I'm not like other girls that will do first move just for them to notice. So I admire him, silently.

Grade 9 at mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Maybe, nadala ko siya sa kadaldalan ko. There were times na siya pa ang gumagawa ng ibang assignments ko. Yes, we became friends not until na magkaroon ng usap-usapan na may gusto siya sa akin. At 'yon ang pinakaayaw niya--ang pinag-uusapan. To be honest, I'm silently wishing it was true ngunit hindi ko akalain na maglalaho agad ang pag-asang 'yon. He distanced himself from me hanggang matapos ang taon.

And now we're in Grade 10. Naging seatmates kami at madalas pang maging magkagrupo. He's really a smart person. He's very serious when it comes to studying. Dahil alam ko, marami siyang pangarap. I'm happy that we became friends...again. And I think,  we're more than that.

"Micaela, papicture muna tayo." Nagulat ako sa biglaan niyang pagsulpot sa tabi ko. Again, nagbigay na naman 'yon ng kakaibang kiliti sa akin.

"Sige. Gel, picturan mo naman kami," utos ko sa isa naming kaklase na halatang kinikilig pa sa amin.

"Congrats," nahihiya niyang sambit. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking tingin dahil hindi ko siya magawang tingnan. I lost my words.

"Thank you." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para masabi pa iyon.

"By the way, ang ganda mo." Tumawa na lamang ako para pigilan ang sarili na kiligin. Kung hindi niya lang siguro ichinat sa akin kagabi na huwag na akong mag-make up ay baka parang clown na ang mukha ko ngayon.

"Baliw haha. Sige tawag na ako ni mama. Babye." Nakita ko naman siyang tumango bago nakangiting kumaway sa akin. Ayaw ko pa sanang umalis doon dahil gusto ko pa siyang makausap.

That day was our moving up. No'ng araw ding 'yon ay naging madalas na ang aming pakikipagchat sa isa't-isa. Umaga, gabi--lagi kong hinihintay ang mga message niya.

'Mahal kita at hinding-hindi kita makakalimutan'

'I love you'

That messages made my heart melts. But I can't help myself thinking, 'Ano ba kami? Bakit hindi niya pa ako ligawan?' but instead of asking those from him. I remained silent. Ayokong matapos o malinaw ang mayroon kami. Nakakatawa man isipin pero natatakot ako. Maybe gagawin niya rin, but not now.

"Kamusta?" Napatigil ako sa pagkain nang  marinig ang boses niya. Para namang nagwawala ang puso ko dahil sa kaniyang presensya.

Ibinaba ko ang aking plato bago siya nginitian. Kung sinus'werte ka nga naman, nakita ko pa siya.

"Okay lang. Ikaw?" Sinserong sagot ko sa kaniya. Trying to calm myself.

It's been one week simula nang hindi siya magparamdam. Masakit man pero kailangan kong maging handa at harapin siya.

"Mica, can we talk?" Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Alam kong dalawang bagay lang ang maaaring patunguhan ng aming usapan. Marahan akong tumango bago sumunod sa kaniya.

"I tried...pero hindi ako pinayagan ni Lola." Para naman akong dinurog dahil sa sinabi niya. I know this will going to happen.

"Pero bakit ayaw mong sumugal?" Naluluha kong tanong ngunit nanatili lang siyang nakakatitig sa akin. "You've told me that you love me but why can't you take the risk?"

Humakbang siya papunta sa akin pero umatras ako.

"I-I can't. Hindi ko kaya ang LDR. Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Alam kong maaari kang makahanap ng bago at ganoon din ako." Damn! Gustong-gusto ko siyang saktan dahil sa mga sinasabi niya na dumudurog sa akin.

"Ang sabihin mo hindi mo kayang makontento. Hindi mo kayang umiwas sa mga taong mapapalapit sa 'yo kasi ako? Kaya ko. Kaya ko dahil mahal kita. Mabuti pa ngang lumipat kana ng school." Nanghihina man ay pinilit kong manatiling nakatayo sa harap niya. Ang mga luha ay kusang umaagos mula sa aking mga mata.

"Hindi sa gano'n. Gustuhin ko man manatili sa school pero ayaw ni lola. Ito ang dahilan kaya hindi kita niligawan kahit mahal kita." Napatawa ako ng mapakla dahil sa sagot niya. Huminga ako nang malalim bago humakbang palapit sa kaniya. Napansin ko ang namumula niyang mga mata.

"Hindi ko alam na bukod sa pagiging duwag ay sinungaling ka rin pala," seryosong wika ko na ikinakunot niya. "Where was I, Krex? Nasaan ako sa loob ng isang taon na 'yon?"

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa hindi niya pagsagot. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilin ang paghagulhol.

"Akala ko itinigil mo na ang panliligaw sa pinsan ko  bago pa ako mapalapit sa 'yo dahil ako 'yong madalas mong kachat. Dahil ako 'yong laging kausap mo. Pero bakit mas updated pa siya sa nangyayari sa 'yo?" Tumawa ako at muling huminga bagaman nahihirapan. "Alam mo ba na ang saya niya habang nagkukwento sa akin na lagi mo siyang kachat at ina-update sa bawat lakad mo?" 

Hindi ko alam kung katangahan ba na umaasa pa din ako na totoo lahat ng mga sinabi at ipinakita. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit.

"I-im sorry. Mina--"

"Stop. Huwag mo na akong gawin pang mas tanga." Tumalikod ako at muling hinawakan ang aking bibig para pigilan ang paghagulhol.

"I'm sorry. I just don't want you to get hurt." I heard his sobs that made me weak. Humarap ako sa kaniya at sinalubong ang kaniyang mga mata.

"You don't have to say sorry. Huwag kang makonsensya because in the first place there is no us so you can love whoever you want. Mali ko pa nga eh, I forgot to check the label. Wala nga palang tayo."

Arts of Heart (Compilation of OSS)Where stories live. Discover now