LINDOL
Kasalukuyan akong namimili ng grocery na iniutos sa akin ni mama. Nakakainis, naistorbo tuloy ang pagwa-wattpad ko.
"Whisper with wings check."
"Noodles check."
"Can Goods che--"Napatigil ako sa ginagawa nang makita ang ultimate crush kong si Rowin. Shit! Ang hot ng future husband ko. Pero agad ring napawi ang aking ngiti dahil sa nakita.
Sino naman ang babaeng kasama niya?
Pasimple akong lumapit sa kanilang pwesto nang biglang yumanig.
"Lindolllll!"
"Waaahhhhh!"
"Kumalma ang lahat!"
Kaliwa't kanan ang maririnig mula sa mga nagpapanic na tao pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pagyakap niya sa babae. Bwisit! Ako dapat 'yon.
Maya-maya pa ay tumigil na ang lindol pero dahil ipinanganak akong walanghiya ay may naisip akong kalokohan.
"HOY ROWIN! SINO 'YANG KASAMA MO? ANG KAPAL NAMAN NG MUKHA MONG MAMBABAE HABANG LUMILINDOL! HINDI KANA NAHIYA, MAGKAKA-ANAK KA PA NAMAN!" Umaarteng sigaw ko dito na ikinagulat nila ng kasama.
"What are you doing, Palm?" nakakunot niyang tanong bago nilingon ang mga taong nasa amin na ngayon ang atensyon.
"Wait Miss---"
"WAG MO AKONG MAWAIT-WAIT BABAE KA. TEKA IKAW BA BABAE ALAM MO BANG MAY GIRLFRIEND NA 'YANG KASAMA MO AT MAGKAKAANAK NA?" turan ko sa naman sa babae na ikinalaki ng mata nito bago tumingin kay Rowin.
Sige magalit ka haha. Mag-away na kayo.
Nakita ko namang napabuntong-hininga si bebe Rowin bago lumapit sa akin at hinapit ako sa bewang kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko. Damn! Para na siguro akong kamatis.
"Sorry mom, sasabihin ko naman sa 'yo eh, mainipin lang talaga 'tong si Palm."
Napalunok naman ako dahil sa narinig. Juicemother! Mag-nanay sila?
"Finally! Nagka-girlfriend kana din at magkaka apo pa ako. Dalhin mo siya ngayon sa bahay, Rowin at ipagluluto ko sila ng magiging apo ko ng masarap na pagkain. Gotta go, bye," wika ng mommy niya bago bumeso sa akin at iniwan kami.
Hindi pa ako nakakarecover nang bumulong siya sa akin.
"Let's go baby, magpapayanig pa tayo para naman malamnan na natin 'yang tiyan mo. Ayoko madissapoint si mommy, panindigan mo ako."
T-tang-ina.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!