SI MAMA ANG MAY KASALANAN
"Mangkukulam ang nanay mo buti hindi ka nagmana."
"Ampon ka lang siguro, ano? Ang ganda-ganda mo tapos 'yong nanay mo mukhang mangkukulam."
"Siguro, panget ka dati tapos kinulam ka ng sarili mong ina para gumanda haha."
Ikinuyom ko ang aking kamay dahil sa masasakit na salita at pang-iinsulto nila sa aking ina. Pikit mata kong tinatanggap ang lahat ng 'yon gaya ng sinabi ni mama na huwag silang patulan.
Sanay na si mama sa mga insultong natatanggap kaya naging dahilan iyon para mas lalo akong magalit sa kanila. Bihira lamang nila siyang makita dahil sa gabi lamang ito lumalabas.
"Mangkukulam 'yang mama mo! Nagkangmamatay ang mga alaga kong manok!" sigaw ng isang babaeng sumugod sa aming bahay. Lahat ng mga tao ay masasama ang tingin sa akin.
"W-wala pong kinalaman si mama sa nangyari," pagdepensa ko habang nanginginig ang mga kamay.
"Ipagtatanggol mo pa ang mangkukulam mong ina kahit mayroong nakakita! Ang sabihin mo malas talaga kayo!"
Tama siya. Maging ako ay nakita ko rin si mama na galing sa lugar na 'yon pero hinding-hindi ko 'yon sasabihin sa kanila. I love my mother and I'll protect her at any cost.
Lumipas ang ilang araw, kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ng babae. Natagpuan daw ito sa loob ng kaniyang bahay na bumubula ang bibig at wala ng buhay.
"Napaka-animal mo, Henya! Wala kang puso! Pati asawa ko hindi mo pinatawad, pinatay mo rin!" sigaw ng aming kapitbahay at halos sirain na niya ang aming gate para lamang mabuksan.
Si mama na naman ang itinuturo nilang may kasalanan.
Ngunit ngayon ay mas malala ang natanggap namin mula sa kanila. Ang maliit naming bahay ay pinagbabato nila ng itlog, basura, bato at kung ano-ano pa.
Wala silang awa.
Umiiyak akong pumasok sa bahay at mabilis na niyakap ang aking ina.
"Ma, wala silang puso. Pinagtulungan nila tayo," sumbong ko kay mama.
Niyakap niya naman ako nang mahigpit. "Shhh, mananahimik din sila."
Sa paglipas ng mga araw ay sunod-sunod ang naging kaso ng pagkamatay sa aming lugar. At dahil tinuturing nila kaming malas at salot, sinisi nila si mama sa lahat ng nangyayari. Lahat ng kamalasang nangyayari sa kanila ay kay mama nila ibinunton.
Lagi na lang si mama ang may kasalanan.
"Saan ka pupunta, Ria?" tanong ni mama ngunit niyakap ko lamang siya bago nginitian.
"I want to end your pain, ma. Hindi mo deserve na pagbintangan sa isang bagay na hindi mo ginawa dahil lang sa 'yong itsura."
"Tama na, anak. Hayaan na natin ang Diyos ang bahala sa kanila." Hindi ko siya pinansin. Itinago ko ang kutsilyo na aking dala bago umalis.
Yes, I am the killer. Lahat ng nagsasabi ng masasakit na salita laban sa aking ina ay pinapatay ko. Ang mga mapanghusgang tao ang siyang tunay na salot sa mundo. Ang kanilang mga dilang halang na tumatarak sa mga inosenteng tao.
Naging matagumpay ang aking plano. Napatay ko ang huling taong kasama sa mga nambabato ng aming bahay. Rumehestra ang malaking ngiti sa aking labi.
Masaya akong naglakad pauwi ng bahay ngunit hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Para akong nawala sa katinuan.
Ang mga tao'y masayang nagtatawanan habang binubogbog ang aking ina. Tatakbo na sana ako sa kinaroroonan niya nang may pumigil sa akin. Hinawakan nila ako.
"Dapat lang sa 'yo 'yan, salot ka!"
"Dahil sa kapangitan mo namamatay mga tao rito kaya dapat ikaw ang mamatay!"
"Lalaban ka pa ha? Ano kukulamin mo rin kami?"
Hindi nila dinidinig ang aking pagmamakaawa. Pinagpatuloy nila ang pagpalo ng tubo at paninipa kay mama. Ang aking mga luha'y patuloy lamang sa pagtulo. Para akong dinudurog sa aking nakikita. Nang lumuwag ang kanilang kapit ay tumakbo ako papunta kay mama.
Ngunit...hindi na siya humihinga.
Niyakap ko siya ng mahigpit. Sana pala hindi ko na lang siya iniwan.
Tiningnan ko ang mga tao sa aming paligid na tila ba natauhan sa sariling kagagawan.
"Hindi mangkukulam si mama! Wala siyang kasalanan! Mga wala kayong puso! Ang sarili niyong kasalanan ay isinisi niyo sa taong walang kasalanan!" Nanatili lamang silang walang kibo.
Napapikit ako nang maalala ang mga sinabi at ginawa ni mama.
"Anak, sinubukan kong iligtas 'yong manok ni Aleng Josie kaso kinain silang lahat ng mga aso kaya umuwi na lang ako."
Hindi kasalanan ni mama ang pagkamatay ng mga manok. Wala siyang kinalaman.
"Anak, pinigilan ko naman si Mang Oscar na inumin 'yong lason kaso nagpumilit siya. Akala niya ata alak sa sobrang kalasingan. Natakot ako no'ng bumula ang bibig niya kaya umalis na ako roon."
Sinubukan ni mama na tumulong ngunit puro sakit ang panghuhusga ang kanilang isinukli.
Wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyayari dahil mabuting tao si mama.
Akala ko kapag napatay ko na sila ay matatapos na ang paghihirap ni mama. Nakalimutan ko pala na kahit kailan ay hindi mauubos ang mga taong mapanghusga.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!