ANG DATI KONG PAHINGA AY HAWAK NA NG IBA
"Napakasipag mo talagang bata ka," nakangiting puna sa akin ni Aling Mia. Pagod na ngumiti lamang ako sa kaniya.
Tatlong taon na akong naglilinis sa bahay niya. Ang mga anak niya'y nasa abroad kaya siya na lamang ang natira sa bahay.
"Okay ka lang, hija?" Tumango ako sa matanda bago huminga ng malalim. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko kaya siguro bigla rin akong nahilo.
"Ayos lang po ako. Magpapahinga lang po ako pagkatapos dito," magalang kong sagot.
Ito ang pangatlong bahay na pinuntahan ko para maglinis. Kailangan ko kasing kumayod dahil sa marami akong bayarin.
Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Nathan, boyfriend ko. Parang nawala lahat ng pagod ko nang maalalang dadalawin ko siya bukas sa condo niya.
-
"Goodmorning, baby!" nakangiting bati ko sa kaniya pagkabukas niya ng pinto. Halata ang gulat sa kaniya dahil mukhang kagigising lang.Nang makapag-adjust ay ngumiti siya ng malapad at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"Akala ko mamaya ka pa. I missed you so much, baby," bulong niya dahilan para kiligin ako. Sa tagal na namin, hindi pa rin siya pumapalya na pakiligin ako.
"How's your school?" tanong ko habang inilalabas ang mga pagkain na dala ko.
Hindi niya marahil ako narinig dahil may kausap siya sa phone. Nakakunot ito at halatang inis sa kausap.
"I told you, Jess. I can't come," sagot niya sa kausap bago sumulyap sa akin kaya binigyan ko siya ng tipid na ngiti.
Sa matagal na relasyon na mayroon kami kahit kailan ay hindi niya ako binigyan ng rason para magselos. Hindi niya ako hinahayaan magtanong dahil siya na mismo ang nagkukusang magsabi. May babae man na nagkakagusto sa kaniya ngunit hanggang sulyap na lamang ang mga iyon. Palagi niya kasing sinasabi na may girlfriend na siya kapag may lumalapit sa kaniya.
And I'm so happy because he's faithful to me.
"Si Jess, ka-blockmate ko. Nagyaya kasi ang barkada na mag-inom, alam mo naman ako hindi ako interesado sa mga gan'on," paliwanag niya pagkalapit sa akin. Napatawa naman ako dahil talagang ganoon nga siya.
"Let's eat. Tayo na lang mag-inom."
He glared at me. Nagpeace sign naman ako dahil halatang hindi siya natuwa sa biro ko.
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming manood ng TV. Magkatabi kami habang nakahilig ang aking ulo sa dibdib niya. Dahan-dahan kong inilabas ang sobre na nasa bulsa bago iyon inabot sa kaniya.
"Kabibigay mo lang sa akin last week, baby. I still have my allowance." I immediately gave him a quick kissed on his lips.
"Don't worry, nagpadala na rin ako sa parents mo. I know you need that, baby. Madami kang gastos dito sa condo mo," saad ko.
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.
"I promise, when I finished my study and become an engineer, ikaw naman ang pag-aaralin ko. I will give all the things you want, baby," bulong niya bago hinalikan ang tuktok ng aking ulo.
"I know. That's why I am doing it. Kasi alam kong hindi mo ako papabayaan."
Tinitigan niya ako 'saka ako hinalikan. Palalim nang palalim ang kaniyang halik at nag-uumpisa na akong mawala sa wisyo. Naramdaman ko ang pagsuot ng kaniyang kamay sa aking damit. Napaungot ako nang pisilin niya ang aking dibdib. Tuluyan na akong nawala sa katinuan nang maramdaman ko ang kaniyang mapaglarong daliri sa aking maselang parte.
YOU ARE READING
Arts of Heart (Compilation of OSS)
RandomThis is a compilation of my one shot and flashfiction stories. This is purely made by my wild este wide imagination. Enjoy reading!