𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Ikinagagalak naming makilala ka Mahal na Reyna ng mga Reyna." halos sabay-sabay na usal ng mga Prinsepe at Prinsesa.
Nginitian ko lang sila. Napansin ko ang kakaibang tingin sakin ng ibang mga mamumuno. Siguro dahil sa akala nila ako yung 'stella' na namatay dati.
Magkatabi kami ni aking Hari sa harap ng mahabang mesa habang nasa magkabilang gilid ang iba pang mga Reyna at Hari , kasali na rin ang mga Prinsepe't Prinsesa.
"We will look forward on serving you, your majesty. It's an honor to serve the most awaited Queen of Queens." usal pa ni Reyna Tiara ng Taurus.
"Mabuti pa't pormal nating ipakilala ang ating mga sarili sa ating Mahal na Reyna." sabi ni Haring Tryton ng Taurus.
"Sangayun ako diyan , kami na ang mauuna." taas kamay pa ni Reyna Arielle ng Aries.
Napakrus nalang ako sa magkabila kong braso. Di palang sila nagpapakilala, alam ko na ang pangalan nila. Matalim ang memorya ko kaya kahit malabo sila sa panaginip ko , alam kong nakahalubilo ko na ang ilan sakanila dito.
"Mahal na Reyna ng mga Reyna , hayaan mo akong ipakilala ang aking sarili at ang iba pang tagabantay ng Aries." sabay yuko niya.
Tumango lamang ako.
Ngumiti muna siya bago muling nagsalita.
"Ako si Reyna Arielle ng Aries. Ito naman si Haring Areh ng Aries." tumayo ang Hari
"Maligayang pagdating sa kaharian , Mahal na Reyna ng mga Reyna" usal neto at sabay sila na yumuko upang magbigay galang.
"Ito naman si Prinsepe Amid ng Aries at ito naman si Prinsesa Amity ng Aries." dagdag na ani ni Reyna Arielle ng Aries.
"Ikinagagalak po naming makilala ka , kamahalan." sabay yuko ni Prinsepe Amid at Prinsesa Amity ng Aries.
They are the 𝐴𝑚𝑏𝑖𝑡𝑖𝑜𝑢𝑠 𝑅𝑢𝑙𝑒𝑟𝑠
Aries people loves to be the number one. They are bold and ambitious. They are honest and brave but they are impatient at the same time. Maliit ang pasensya ng mga taong 'to.
Teka..
Dahil ba sa kahawig ko yung Prinsesang namatay , ay para ko naring nakuha ang kaalaman niya sa kaharian ?
Nginitian ko na lamang sila. Nagsiupo sila at agad na sumunod na nagpakilala ang taga Taurus.
𝐉𝐚𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Ito ang pang sampung araw ng pagkawala ni Stella. Mas grumabe ang pag-aalala namin para sakanya dahil maski si Tita wala na ring tulog kakahanap lang kay Stella. Yung babaeng yun talaga , lagi kaming pinag paaalala.
Biro lang , talagang miss na miss lang namin siya.
Di narin kami nakakatulog ng maayos kakaisip kung saan pu-pwedeng mahanap si Stella.
Walang pasok ngayon kaya napag desisyunan namin nila Zel na sabay nalang na hanapin si Stella.
"Bat di sumama si Dexter ?" tanong ni ni Zel.
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasy"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."