Chapter 23

33 3 0
                                    

𝐀𝐠𝐚𝐭𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕





Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at dahan-dahang nilibot ang paningin ko sa kwarto.





Kwarto ko to , ibig sabihin.




"Agatha.." napalingon ako kay Louie na naka upo pala sa gilid na hindi ko napansin kanina.





"Louie.."







Agad akong tinulungan ni Louie upang maka upo ako ng maayos , hinalikan niya ako sa noo at tsaka umupo pabalik at tsaka hinawakan ang palad ko.






"Agatha.... " usal niya at hinalikan ito.




"Louie , a-anong nangyare ? Nag didigmaan pa rin ba ? Asan si Barbara ? " agad na tanong ko.





"Shhh , wag mo masyadong madaliin ang sarili mo." mahinhin niyang hinimas ang aking buhok " Dalawang araw ka ng natutulog." ani niya.









"D-dalawang araw ?!" usal ko.









"Shhh ,  maayos na ang lahat kaya wag ka ng mag-alala." nakangiting usal niya.








Nakunot ang noo ko ng ngayong ko lang na pansin na mugto ang mata niya.







"I-ibig sabihin wala ng digmaan ?" tanong ko.






"Wala na , malaya na tayo, Agatha."








"T-talaga ?" nakangiting usal ko.






"Agatha.."





"Oh ?"







"Mahal mo ba ako ?" tanong niya.






"Oo , sobra. Bat mo naman tinatanong ?" pagtataka ko.







Ngumiti naman siya at mahigpit na hinawakan ang palad ko.





"Kung ganon ay may gusto sana akong ihiling sayo." seryusong usal niya.








𝐙𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕




Dahil sa tuwa at pagkasabik ko ng malaman kong gumising na si Jae , hindi na ako nakapag bihis pa at basta-basta nalang pumara ng taxi.





"Manong pakibilisan po !" usal ko sa driver.







Tinignan niya ako sa salamin at napansin kong napatingin siya sa suot ko na pajama.






La ?





"May problema po ba tayo ?!" tanong ko.







"Haynaku. May dala ka bang wallet jan ?" tanong ng driver na siyang ikinatigil ko.







Agad ko namang kinapa ang suot ko pero wala naman akong bulsa kaya wala akong mapapaglagyan ng wallet kung nagkataon man na nakadala ako kaso wala , nakalimutan ko na dahil sa pag mamadali ko kanina. Napahiya akong napatingin kay manong.









"Ahahahahahahaha" tawa ko





"HAHAHAHAHA" nakitawa namang si manong kaya mas nilakasan ko pa ang tawa ko.





"Ahahahahahaha wala po bang free ride jan ? " pa simpleng tanong ko.







"Ahahahaha. Wala , labas !" usal niya.






The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now