𝐐𝐮𝐞𝐞𝐧 𝐓𝐢𝐚𝐫𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
|𝑲𝒊𝒏𝒈𝒅𝒐𝒎 𝒐𝒇 𝑻𝒂𝒖𝒓𝒖𝒔|
Tulala akong nag mumuni-muni sa munting silid ng aking kaharian. Kinakabahan ako sa magaganap dahil kung tama man ang nararamdaman ko, ito ang unang digmaan ng mga Kaharian ng Zodiac na siyang ikinakatakot ko.
Bumuntong hininga ako at napatingin ng may narinig akong pumasok.
"Reyna Tiara , nais po kayong maka usap nina Reyna Cyra." usal ng aming taga paglingkod.
"Papasukin mo sila." utos ko.
"Masusunod , Reyna Tiara."
Agad na binuksan ang pinto at pumasok ang magigiting na taga paglingkod ng Kaharian ng Capricorn.
"Reyna Tiara.." usal ni Reyna Cyra kasama ang iba pa niyang mga taga paglingkod na si Haring Crypton.
Pareho kaming yumuko bilang pagbibigay galang sa isa't isa.
"Maupo kayo , kamahalan." usal ko.
Agad sila na nag si upo at ganon din ako dahil batid kong importante ang pag uusapan namin.
"Sina Haring Tryton at ang Prinsepe't Prinsesa , nasaan ?" tanong ni Haring Crypton ng mapansin niyang wala ang ibang mamumuno ng Taurus.
"Naghahanda sina Haring Tryton sa posibleng mangyare , pinaghahanda na namin ang mga kawal ng Taurus. Ang Prinsepe't Prinsesa naman ay ang nag aasikaso sa mga studyante , ihahanay-hanay namin sila ayun sa kakayahan nila." sagot ko.
"Kung ganon , nararamdaman mo rin ang nararamdaman namin , Mahal na Reynang Tiara." ani ni Reyna Cyra.
"Oo at alam kong lahat na rin ng Kaharian ngayon ay naghahanda na sa posibleng mangyare."
Nabaling ang atensyon namin ng biglang nag taas ng kamay ang Prinsesa.
"Ano iyon , Mahal na Prinsesa ?"
"Mahal na Reyna ng Taurus , nais po naming puntahan ang Prinsepe't Prinsesa , batid kong kailangan nila ng tulong sa paghahanay-hanay ng mga studyante at ikinagagalak ko pong tumulong sa paglilingkod dito.." magalang na usal ni Prinsesa Cian.
Tumango ako bilang pag sang ayon at nag bigay galang sila bago pa umalis. Hinintay muna namin na maka alis sila ng tuluyan bago kami nag usap patungkol sa posibleng mangyare.
"Ayun sa narinig namin , may balak daw mag deklara ng digmaan ang mamumuno ng Libra at nag hahanda na sila." ani ni Reyna Cyra.
"Hindi na ako magugulat pa kung gaawin niya yan , Reyna Cyra." sagot ko.
"Anong ibig mong ipahiwatig Reyna Tiara ?" tanong ni Haring Crypton.
Nagkatinginan kami ni Reyna Cyra at pareho kaming napa-iwas ng tingin.
Bumuntong hininga ako.
"Kilala ko si Reyna Laica.Matagal na panahon niya ring hinintay ang araw na 'to. Wala siyang ibang ginawa kundi ang gumawa ng paraan para mapabagsak lang ang Kaharian ng Scorpio."
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasi"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."