Chapter 20

39 3 0
                                    

𝐙𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕




"D-dex ?" usal ko ng makita ko siyang pumasok.





Hindi siya sumagot at diretso lang tumingin kay Jae. Tumayo ako sa pagkaka-upo ko at inalay ko sakanya ang upuan na niupuan ko kanina.




"Jae.."






Hindi na ako nakapagsalita pa nang marinig ko siyang umiyak habang hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ni Jae.







𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑠𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑢𝑘𝑎.. 𝑖-𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑙𝑢𝑏𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑖.. 𝑆𝑡𝑒𝑙𝑙𝑎 !










Agad ko silang iniwan sa loob at dali-daling tumakbo bakasakaling maabutan ko pa si Stella.




Hindi ko siya nakita kanina pero dahil sa pasa na nakita ko sa muka ni Dex , sigurado akong si Stella may gawa nun. Baka nagtatago lang siya dito sa ospital.




Nilibot ko ulit at halos mapuntahan ko na lahat ng sulok dito sa ospital pero hindi ko talaga mahanap si Stella.



Ang daming tanong na nabuo sa isip ko gaya ng biglaang pagkawala at paglitaw niya. Ano nalang ang sasabihin ko kay Tita tungkol kay Stella ? Sigurado akong hahanapin at hahanapin niya pa talaga si Stella lalo pa't nakumpirma mismo ng dalawa kong mata na buhay siya.





Habol-habol ko na ang pag hinga ko hanggang sa napag disisyunan ko ng magtanong.



"Excuse me , Nurse." pagtatawag ko sa atensyon ng Nurse.




"Yes , Miss." malumanay na sagot neto.




"M-may nakita po ba kayong dumaan dito na babae , m-mahaba po buhok niya tas kulot po , hindi po siya gaano katangkad mga nasa 5'2 lang tapos punit po yung damit niya banda dito tapos may tatto po siyang cresent moon sa kaliwang braso niya." pagpapaliwanag ko sa sakanya.







Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago siya sumagot.





"Kasing edad mo ba , Miss ?" tanong niya.





"O-opo !"






"Nakita ko siyang luma--"







"Salamat po !" hindi ko na pinatapos yung nurse at basta-basta nalang tumakbo palabas ng ospital.





Ng makalabas ako ay hindi na ako nag aksaya pa at nilibot ko agad ang paningin ko baka sakaling nagtatago lang si Stella dito.




"Posible kayang , umuwi siya ?" usal ko sa sarili ko.



"Ah ! Hindi , wag kang tanga Zel , hindi niya nga pinabasabi kay tita na buhay siya eh. Aist ! san ko ba siya hahanapin ?!"





Nakapamewang na ako habang nakakunot ang noo. Hindi ko pwedeng iwan si Jae pero kailangan ko ring hanapin si Stella.




"Diyos ko po." usal ko nalang habang na naalala ko ang mga nangyare.








Anong bang nangyayare sa dalawa kong kaibigan ?! Bakit ba sila nag ka ganito tsk , kung may problema sila pwede naman nilang sabihin sakin eh , hindi yung maglalayas at tatalon sila sa gusali. Nakakainis ! Pakiramdam ko tuloy wala akong silbi !





The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now