Chapter 15

36 3 0
                                    

𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕






Tulala kong tinitigan ang sarili ko sa salamin habang inaayusan ako ng mga taga pag lingkod namin dito sa kaharian.







𝐷𝑢𝑚𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑟𝑎𝑤 𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑡𝑎𝑦 𝑛𝑖 𝐵𝑎𝑟𝑏𝑎𝑟𝑎 𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎𝑛.








"Tapos na po kamahalan." ani niya ng matapos na niyang isuot ang balabal sa balikat ko.






Hindi ako kumibo sa sinabi niya dahil napatingin ako sa korona na nasa gilid ko.





"Ah eh , ipag paumanhin niyo po , mahal na reyna akala ko--"






"Ayus lang , makakaalis na kayo." pag puputol ko sa sinasabi niya.






"M-masusunod po kamahalan." sabay-sabay na yuko nila upang mag bigay galang.








Hinintay ko muna na maka alis sila at tsaka ako bumaling ulit sa repleksyon ko sa salamin.






Pumikit ako at bumuntong hininga.







Tatlong kaharian lang ang nagpadala ng sulat ng pag sangayon nila. Alam kong may ginagawa na naman sila Laica para baguhin ang isip ng mga sumang ayon saakin sa pagpupulong namin nung nakaraang araw.




Napadilat ako ng marinig ko ang maiingay na pag-uusap ng mga tao sa labas.







𝑀𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑛𝑎..







Tumayo ako at dahan-dahan na dumungaw sa bintana kung saan tanaw ko ang buong kaharian ng Zodiac.







𝑆𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑙𝑎𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑛𝑎𝑔𝑡𝑖𝑝𝑜𝑛-𝑡𝑖𝑝𝑜𝑛 𝑚𝑢𝑙𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑡𝑎𝑜.






Inihahanda na ang serimonyas at lugar kung saan ibibitay si Barbara. Dumadagsa na rin ang mga tao.








Napatingin ako sa lubid na gagamitin para kay Barbara at mahigpit na napakapit sa damit ko.








𝑆𝑖𝑠𝑖𝑔𝑢𝑟𝑎𝑑𝑢ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔 𝑠𝑖𝑠𝑖𝑠𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑚𝑜 𝑖𝑡𝑜 𝐿𝑎𝑖𝑐𝑎 !







Di na ako nag atubili pa at kinuha ang korona at dali-daling lumabas.







Mag-isa akong naglalakad sa malawak na pasilyo ng kaharian. Hinahanap ko si Haring Scorpio na kaninang gabi pang  hindi nagpapakita sakin.







Binuksan ko bawat silid na madadaan ko pero wala siya sa doon !






𝐴𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑎𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑙𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑦𝑢𝑛 !





Naglakad ako pabalik at isa-isang tinignan ang mga terasa ng kaharian , nagbabasakali akong nandoon siya pero wala !








Halos patakbo pa akong bumaba sa mataas na hagdaan ng kaharian dahil kailangan kong mag madali , ilang minuto nalang magsisimula na ang seremonyas.





Hinanap ko siya ng hinanap pero hindi ko siya makita na umabot na sa puntong napagod na ako.






Dahil sa hinihingal na ako napag disisyunan kong huminto at kumalma para maramdaman ko kung nasaan siya.






The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now