𝐀𝐠𝐚𝐭𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"B-barbara.." mahinhin na yakap ko kay Barbara. Bakas na bakas ang lubid sa leeg niya na siyang ikinaiyak ko ng labis.
Agad ko itong tinanggal sa leeg niya at niyakap siya ng sobrang higpit bakasakaling magising siya sa init na ibibigay ko sakanya.
Ang dating mapulang labi ni Barbara ay ngayo'y naging maputla.
Katahimikan ang nanaig sa buong paligid dahil sa pagkawala ng Mahal na Reyna. Pag katapos ng nilikha niyang liwanag kanina bigla nalang siyang nawala na parang bula.
"Barbara.." sabay lapit ni Duke kay Barbara.
"Duke.." usal ko kay Duke.
"Mabubuhay si Barbara." mahinang bulong niya sakin.
"H-ha ?" naguguluhang usal ko.
"Hangal ! Hulihin ang mapag panggap !" malakas na sigaw ni Reyna Laica na siyang ikinakaba ko.
Agad tumakbo ang mga kawal at tinutukan ako ng mga matulis na spada. Agad nila akong pinalibutan dahilan para mapatayo ako ng dahan-dahan.
Wala akong ibang magawa kundi ang manginig sa takot.
"Agatha !!!" rinig kong sigaw ni Louie.
"Louie wag !" pag pipigil ni Saharra sakanya.
"Isang mapagpanggap !" muling sigaw ni Laica.
"Isang kalabastangan ang ginawa niyang pag papanggap !" sabat pa ni Giharra.
"Hulihin siya ngayon din !" sigaw ni Laica.
"H-hindi !" usal ko ng sinimulan na nila akong gapusan.
"Agatha.." usal ni Duke.
"Agatha , waaaag !!! Bitiwan niyo siya !!!" sigaw ni Louie na siya namang pinipigilan ni Saharra
"L-Louie !! Louieeee !!!"
"Agatha !!! Bitiwan niyo siya !!!"
"Louie waaag !!" yakap ni Saharra mula sa likuran ni Louie upang pigilan siya.
"Louieeee !!!"
"Agatha , waag ! Bitiwan niyo siya !"
"Louie !!"
𝐙𝐞𝐥'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Nanginginig akong naka tingin kay Jae na nasa taas ng mataas na gusali !
"Diyos ko sino ang batang yan ?!"
"Hija bumaba ka !"
"Diyos ko kaninong anak iyan !"
"Tumawag kayo ng pulis !"
Ito ang halos pang tatlong linggo ng pagkawala ni Stella at ang dami ng naganap. Unti-unti ko ring nararamdaman ang pagbabago bigla ni Jae. Hindi ko alam kung bakit pero nung nakaraang araw bigla nalang siyang hindi kumikibo at kung tatanungin mo kong anong problema , umiiyak lang siya.
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasía"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."