Chapter 18

38 3 0
                                    

𝐒𝐭𝐞𝐥𝐥𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕





Malalim ang gabi ng dumating ako sa mundo ng Zodiac. Tahimik at payapa , animo'y wala na namang magaganap.






Narinig ko na bukas ang hatul kay Agatha at may posiblidad na mag dedeklara ng digmaan si Laica.





𝑊𝑒𝑙𝑙 , 𝑜𝑢𝑟 𝑤𝑎𝑟 𝑎𝑙𝑟𝑒𝑎𝑑𝑦 𝑠𝑡𝑎𝑟𝑡𝑒𝑑 𝑒𝑣𝑒𝑛 𝑏𝑒𝑓𝑜𝑟𝑒 𝑖𝑡 𝑤𝑎𝑠 𝑑𝑒𝑐𝑙𝑎𝑟𝑒𝑑.







Minabuti kong hindi umuwi sa kaharian ng scorpio at nakituloy muna sa munting kubo ng matandang lalake.





Hindi kagaya sa nakasanayan ko sa kaharian ; tanging ilaw lang ng kandila ang nagpapaliwanag sa tinitirhan niya.





Sira-sira na ang kubo at masyadong delikado para sa isang matandang lalake na tumira mag isa dito. Halatang matagal na rin ang kubo na ito.






𝐷𝑖𝑑 ℎ𝑒 𝑏𝑢𝑖𝑙𝑑 𝑡ℎ𝑖𝑠 ℎ𝑖𝑚𝑠𝑒𝑙𝑓 ?







"Kamusta ang mundo ?" tanong niya at nilagyan ng alak ang munting baso na nasa harapan ko.


I smirked. Natatandaan ko na kung saan ko siya unang nakita. Siya yung lalakeng nagbigay sakin sa libro ng Zodiac nung nasa bookstore kami nina Jae at Zel.





"Ayus lang. Ganun pa din , puno parin ng mga di mapagkakatiwalaang tao." sagot ko at ininom ito.





"Hahaha." tawa niya at uminom din.





Nilagyan niya ulit ng alak ang baso ko at agad ko namang ininom ito.






"Mas gusto mo ba ang mundong ito kesa dun sa mundo natin ?" tanong ko.





Tumango-tango siya at muling tumawa ng mahina.






"Tama ka  , hija , maganda ang mundong ito. Sa katunayan , mas maganda pa ito nung kabataan ko." usal niya.




"Ibig sabihin , matagal kana dito ?"







Tumango siya at muling uminom ng alak.








𝑇𝑎𝑚𝑎 𝑎𝑘𝑜.. 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑖𝑦𝑜𝑛..







"Kasing edad mo ako nung una kong madiskurbi ang lugar na ito. Nung una naguluhan din ako dahil wala naman akong kaalaman patungkol sa mga Zodiac. Hanggang sa nakilala ko ang mga mamumuno nung silay kasing edad ko pa , naging kaklase ko pa mga ang karamihan sa kanila."





Binata siya'ng nagpakita sakin nung binigay niya yung libro dahil pala binata din siyang nakapunta dito sa mundo ng Zodiac. Malinaw na sakin ngayon.







Bumuntong hininga siya at tumawa.






"Hay , kay gandang alaala.." usal niya.






Natahimik kami ng ilang segundo.







Muli niyang nilagyan ng alak ang baso ko. Pinag masdan ko lang siyang gawin ito hanggang sa naisipan ko ng magsalita.






"Hindi ka ba nalulungkot na ikaw lang ang nakaka alala sa ala-ala na yun ?" tanong ko.








Hindi siya sumagot. Katahimikan ulit ang bumalot samin ng ilang segundo.









The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]Where stories live. Discover now