𝐀𝐠𝐚𝐭𝐡𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"𝐺𝑎𝑏𝑖-𝑔𝑎𝑏𝑖 𝑘𝑖𝑡𝑎𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑑𝑜𝑜𝑛 , 𝐴𝑔𝑎𝑡ℎ𝑎."
Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa sinabi niya at dumagdag pa ang mga titig niya saking mga mata.
"L-louie.." usal ko.
Ngumiti siya sakin.
"Mahal din kita , Agatha." sagot niya.
"H-ha ?" nauutal na usal ko.
"Mahal kita , Agatha." pag-uulit niya pa.
Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin ko.
"Louie.. m-mahal mo rin ako?" tanong ko.
"Oo nga." sagot niya.
"T-talaga ba? Totoo ?!" di ko maiwasang matuwa sa naririnig ko.
"Mahal nga rin kita !" sagot niya sabay nag-iwas ng tingin.
"Taa..laa..gaaa baaaa..?" tanong ko sabay nilapit ang muka ko sakanya dahilan para iniwas niya rin sa kabilang direksyon ang muka niya.
Hindi siya sumagot kaya inulit ko rin yung tanong.
"Louie , mahal mo ko ?"
"Agatha !" nairita na sigaw niya kaya napatawa ako.
"Bwahaha mahal mo nga rin ako !" sigaw ko sa tuwa.
"Sinong nandiyan !"
Pareho kaming nabigla ni Louie ng makarinig kami ng mga taong paparating. Mga kawal ng Libra !
"Lou----"
"Shhh.." pigil ni Louie sakin.
Agad akong napakapit sa braso ni Louie habang tinitignan namin ang paligid kong saan banda ang mga kawal.
"Louie.. anong gagawin natin.." bulong ko sakanya.
"Shhh.." bulong ni Louie sakin.
"Sinong nandyan !"
𝐴𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑤𝑎𝑙 !
"Lou--"
Agad akong napapikit ng niyakap ako ni Louie. Hindi nila pwedeng maramdaman ang aura ko.
Niyakap ako ni Louie ng sobrang higit at tinago niya ang muka ko sa dibdib niya.
"Sino kayo !" sigaw nung kawal.
Ganon nalang ang kaba na naramdaman ko nang mahanap nila kami.
"Wag kang titingin.." bulong ni Louie sakin.
"Louie.." napakapit ako sa damit niya.
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasy"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."