𝐉𝐚𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Tao po tita ?" katok ko sa pinto nila Stella.
"Tita ??" usal ko.
"Tao po..." pag uulit ko.
"Ano ba kasing gagawin natin dito ? Wag nating isturbuhin si tita pagod din yun." pigil ni Zel.
"Hindi , may gusto lang san--ay tita !" usal ko ng sawakas binuksan na ni tita yung pinto.
"Oh. Jae , Zel , anong ginagawa niyo dito ?" halata sa boses ni tita na pagod siya.
"Ah tita , may gusto lang sana kaming e tanong." usal ko.
"Oh sige , pasok muna kayo at magmemeryienda tayo." usal ni tita.
"Hehe , opo." nauna pang pumasok si Zel.
Habang naghahanda si Tita ng meryenda namin ay nasa sala kami ni Zel. Tahimik na yung bahay nila tita dahil nga wala si Stella. Si Stella lang kasi at si Tita ang nakatira dito sa bahay at since nag iisang anak si Stella , si Tita nalang ang naiwang mag isa.
Ang lungkot siguro ni Tita ngayon di lang niya pinapahalata. Well , sino bang hindi malulungkot sa biglaang pagkawala ni Stella ? Na mimiss na namin siya.
"Oh mga hija , kain muna kayo." usal ni Tita na kararating lang galing kusina.
"Thank you po Tita." sabay tulong ni Zel sa pag lagay ng mga pagkain na dala ni Tita sa mesa.
"Ba't nga pala kayo napadalaw. Wala kayong pasok , dapat nagpapahinga kayo ngayon." ani ni Tita.
"Eh Tita , tumutulong parin po kami sa paghahanap kay Stella." halata ang lungkot sa mga mata ni Tita nung banggitin ko ang pangalan ni Stella.
"Nagtatanong-tanong parin po kami Tita pero wala parin po talagang nakakita o nakakapamilyar kay Stella." usal naman ni Zel.
"Ah, eh Tita , kamusta napo ang paghahanap ng mga pulis , ano pong balita ?" tanong ko.
Bumuntong hininga muna si Tita bago sumagot.
"Wala parin silang nahahanap." sagot niya. Nalungkot naman kami sa sinabi ni Tita.
"Sa totoo lang mga hija , pumapasok na sa isip ko na baka nakuha ng engkanto si Stella. Alam kong katawa-tawa pero kung maging ang mga pulis di mahanap si Stella , yan nalang talaga ang isa sa mga posiblidad." ani ni Tita.
"Nakakakilabot naman po. Totoo po ba yang mga engkanto po ?" tanong ni Zel.
"Hindi ako sigurado pero naniniwala ako. Diyos ko , wag naman sana." usal ni Tita.
"Ah eh tita , may itatanong lang po sana ako." usal ko.
"Oh sige Jae , hija."
"May napansin ka po bagong libro na nabili ni Stella bago siya mawala ?"tanong ko.
Kumunot ang noo ni Tita.
"Halos araw-araw kong nililinisan ang kwarto ni Stella pero wala akong nakitang bagong libro." sagot ni Tita.
"Ah , ganon po ba.." sagot ko.
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasy"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."