𝐉𝐚𝐞'𝐬 𝐏𝐎𝐕
"Anong ginagawa mo dito ?" tanong ko kay Dex matapos makalabas si Zel.
"Jae." usal niya at sabay na hinawakan ang kaliwang palad ko. Agad akong nag iwas ng tingin.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
"Buti at pinayagan ka ni tita na pumunta dito." usal ko habang hindi parin tumitingin sakanya.
"Jae naman." yan lang ang tanging sagot niya.
Mahina akong napasinghal.
"At ano ? Hanggang tatlongput-minuto ka lang dito ?" sarkastikong tanong ko.
Hindi siya sumagot.
"Tatlong taon. Tatlong taon akong nagtiis sa mama mo Dex kahit alam kong ayaw niya sakin !" sumbat ko sakanya at sa pagkakataong ito humarap na ako sakanya at binawi ang palad ko mula sa pagkakahawak niya.
"Jae ! Bakit ba palagi mong sinisisi si mama , ha ?!" tanong niya na siyang ikinaiyak ko.
"Haha ! bakit ?!" sarkastikong tanong ko.
"Yung pagiging strikta ba ni mama yung ikinagagalit mo ha ?! Jae , tatlong taon na tayo , hindi ka pa ba sanay ?!" tanong niya.
Napahilamos nalang ako sa muka ko gamit ang dalawang palad ko ng marinig ko yun. Napa hawak naman siya sa bewang niya at nag iwas ng tingin at suminghal saka bumaling ulit sakin.
"Jae , one hour or even 30 minutes are enough to create memories. Pumunta ako dito para kamustahin ka , I wasn't expecting us to argue like this especially dahil kakagising mo lang ! Aren't you happy with our relationship anymore ?! Is that the reason why you jumped off that building , huh ?!"
"Stupid !" sigaw ko.
"You're so immature ! You're still immature !" sumbat niya sakin.
Hindi na ako sumagot pa.
"Jae , I can't believe you became this suicidal ! Ano bang nangyare sayo , ha ?!" pilit na pagpapakalma niya sa sarili niya.
"Pano mo maiintindihan , wala ka namang alam." sagot ko.
"I will understand if you'll just tell me !" pasigaw na sagot niya.
"Bakit ?! Kung tatawagan ba kita , darating ka ba , ha ?! Dadating ka nga pero , nagmamadali ka pa."
"Jae ?!" usal niya.
Hindi na ako sumagot pa. Pareho kaming natahimik. Ng mapansin kong nasa labas na si mama ay agad kung pinunasan ang luha ko. Nananatiling naka tayo si Dex habang naka hilot ang isa niyang kamay sa noo niya. Maya-maya pa ay pumasok na nga si mama kasabay si Zel.
"Oh , Dex , hijo !" masiglang bati ni mama.
"Ah. H-hi po tita." sabay mano ni Dex. Nag iwas nalang ako ng tingin.
"Kain na tayooo hihihihi !" parang batang biglang sabat ni Zel.
"Oh siya , Zel , hija pakikuha na muna yung tabl--"
YOU ARE READING
The Kingdoms of Zodiacs (𝐻𝑒𝑎𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑆𝑒𝑟𝑖𝑒𝑠 # 1) [𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃]
Fantasy"The Queen of Queens has arrived , but don't be fooled by her smile , especially with her flaring eyes."