"Kakagising mo palang?" Tanong niya, tumango ako habang hawak ang cup noodles.
"Si Seulgi nasaan?" Tanong uli niya, nililibot niya ang mata niya sa buong kwarto. "Hindi ka dito nakatira?" Tanong ko. Umiling ito at ngumiti.
"Pinsan ko nakatira dito, bigla ka kasing nawalawan ng malay kagabi kaya dito ka nalang niya dinala." Paliwanag niya.
"Salamat sa pagdala sa'kin dito ah." Sabi ko, "Nako wag ka sa'kin magpasalamat, kay Seulgi ka magthank you." Sagot niya.
"Seulgi? Nakalimutan ko na itsura niya." Sabi ni Irene sa sarili niya.
Bigla muling bumukas ang pinto at sabay kaming tumingin ni Wendy.
"Seulgi!" Bati ni Wendy sa kaniya at nilapitan siya para yakapin.
"Kakapalan ko na mukha ko." Banggit ni Irene sa sarili niya. "Kesa naman sa mamatay dito kasi walang matitirhan." Sabi niya muli.
"Andito ka pa?" Seryosong tanong niya. "S-sorry, a-ano kasi, uhm, pwede bang makitira?" Biglaang tanong ni Irene. Napalingon si Wendy at Seulgi kay Irene.
"Titira ka dito? Ayoko. Wendy ikaw na kumuha jan." Diretsong sagot ni Seulgi. "Kahit ilang buwan lang, aalis din naman ako." Wika ni Irene habang nagpapacute. Nakatingin lamang si Seulgi nang diretso sa mga mata ni Irene.
"Magbayad ka ah." Sabi ni Seulgi. "Of course!" Irene shouted. Tinapos ni Irene ang pagkain at uminom na ng gamot.
"Kaya nga pala ako andito para kamustahin ka. Okay ka na ba?" Tanong ni Wendy kay Seulgi, "Oo." Simpleng sagot nito.
"Baka si Wendy na yung dapat kong makilala." Banggit ni Irene sa sarili niya. "Lahat ng gusto ko sa isang tao ay na kay Wendy na." Tuloy niya. "Kailangan kong mahanap yung babae." Dagdag ni Irene.
"Miss?" Banggit ni Wendy habang pumipitik sa harap ni Irene. "Anong pangalan mo?" Tanong nito. "Irene, Irene Bae." Pakilala niya at tumango.
"Seul, alis muna ako ah. Magkikita kasi kami nila Lisa ngayon." Banggit ni Wendy habang nagmamadali. "Hindi niyo manlang ako sasama? Nakakatraydor ah." Sagot ni Seulgi.
Irene softly chuckled at Seulgi's response. "May nakakatawa?" Seryosong tanong ni Seulgi, agad namang umiling si Irene at nagseryoso.
Lumabas si Wendy sa pinto at ilang minutong natahimik ang kwarto.
Irene decided to break the silence, "Tara inom?" Tanong niya habang nakangiti ng pilit. "Bawal may mawala dito sa bahay." Seulgi ignored Irene's question. "Sa ganda ko 'tong 'to? Magnanakaw?" Hindi makapaniwalang wika ni Irene.
"Thank you nga pala," Irene paused then Seulgi looked at her. "Kasi kahit 'di niyo 'ko kilala, pinatuloy niyo parin ako." Irene smiled. "Kay Wendy ka magpasalamat, mabati yon, ako hindi." Sagot niya.
"Inom tayo." Paawa ni Irene.
"Miss, seryoso ka ba? Hindi nga tayo magkakilala tapos gusto mo iinom tayo?" Malakas na sabi ni Seulgi.
"May tiwala ako sa'yo." Matipid na sagot ni Irene. "Sige na, para makilala narin kita." Pangungulit ni Irene. "Babayaran ko 'yang alak na nasa ref mo." Tuloy niya.
"Mamaya. Ang aga aga pa." Sagot ni Seulgi at kinuha ang kaniyang jacket, "Bawal may mawala na gamit." Wika niya at lumabas siya sa bahay. "Hoy! Muka ba talaga akong magnanakaw?!" Malakas na tanong ni Irene ngunit nakalabas na si Seulgi.
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fanfiction"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished