Dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng isang grocery store?
Tama naman ako? Ang alam ko nasa Makati 'yon.
Lumapit ako sa driver na may shades na nakapatong sa kaniyang noo at nakaupo sa kaniyang tricycle.
"Sir, nasaan po yung bar na malapit dito?"
"Sa dulo, miss." Sagot niya at nagpasalamat ako,
At syempre, pumunta ako.
Pero ang tanging bar na aking nakita ay ang bar na pinupuntahan namin ni Jennie, kung hindi mall, ang mga condo ang nakapagilid.
"Putcha, hindi 'to." I sighed, bumalik ako sa tapat ng grocery store at muling nakipag usap sa lalaki.
"Kuya, wala na bang iba na malapit lang dito?" Tanong ko.
"Yung dito lang talaga sa area na 'to." I said while adding some hand gestures to explain my sentence.
Tumawag siya ng isang pang lalaki at tinanong kung meron ba.
Ang sagot ng lalaki ay, "Oo, meron."
"Saan po?" Aking tanong.
"Yan na mismo." Sabi niya habang nakaturo sa tapat ng grocery store na nasarap lamang namin.
"Dati yang bar!" He exclaimed.
"Tama nga ako, dito nga mismo." I said to myself. "Thank you po." Pasalamat ko sa kanila.
Pumasok ako sa loob at parang mas lumiit ito kesa sa dati. Tinignan ko ang mga upuan na nasa dulo ngunit wala ka,
May tatlong lalaki na magkakasama sa isang table, at dalawang babae sa kabila.
Lumabas ako at una kong ginawa ay huminga nang malalim.
"Huli na 'to, pag siya wala pa rin, titigil na ako sa araw na 'to." Sabi ko sa sarili ko, naglakad ako papuntang Makati Ave. at doon nag antay ng masasakyan.
Hindi nagtagal, nakarating din ako sa Intramuros, naglakad ako papunta sa loob at nagtanong sa guard.
"Kuya, saan po dito yung Manila Cathedral?" Tanong ko, tinuro niya sa akin ang mga dadaan.
Konti lakad lamang at nakarating na ako sa isang mataas at malawak na simbahan.
May mga harang ang pinto kaya hindi na rin ako nakapasok, inikot ko nalang ang paligid nito.
Pero wala pa rin, wala ka pa rin.
"Ang ganda pa rin dito." Sabi ko habang nakatingin at nakangiti sa harap ng simbahan.
"Oo, maganda talaga dito." Biglang sabi ng isang babae sa gilid ko. Napalingon ako sa kaniya at nakitang nakangiti siya.
Blonde ang kaniyang buhok, magkalapit lamang ang height namin, may maganda siyang ngiti, at parang may lahi ito.
"Hi, i'm Seungwan." Pakilala niya sa'kin. Nginitian ko siya pabalik bago ako nagsalita, "Irene."
"May hinahanap ka ba? Para ka kasing may hinahanap kanina habang naglilibot ka." Sabi niya,
"Wala, ang ganda lang talaga dito." Sagot ko at dahan dahan siyang tumango nang paulit ulit.
Katahimikan ang bumalot samin habang nagpapakiramdaman sa kung sino ang unang magsasalita.
"Uhm, aalis ka na?" Tanong niya, tinignan ko siya at sinagot ang tanong, "Oo eh, sige bye." Sabi ko, kinawayan ko na siya, "Sana magkita pa tayo muli." Banggit niya, napalingon ako sa kaniya at napangiti. "Sure akong magkikita pa tayo." Sagot ko.
Sabay kaming naglakad papalayo sa direksyon ng isa't isa, naghanap ako ng masasakyan ng hindi siya nililingon ngunit ramdam ko ang mga tingin niya.
Isang malalim na paghinga ang aking ginawa pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay.
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fiksi Penggemar"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished