"Bakit hindi ako nakabalik?" Sigaw ni Irene sa babaeng nasa tapat niya.
Nasa loob sila sa isang kainan at tinignan sila ng mga tao nang sumigaw si Irene.
Huminga ng malalim si Taeyeon at ngumiti bago sumagot.
"Ewan ko, baka naman hindi totoo yung nararamdaman mo."
"Anong 'di totoo?" Sagot ni Irene at may bakas ng pagkairita sa kaniyang mukha habang sumasandal siya sa upuan. " 'di ba sabi ko, si Wendy na nga yung hinahanap ko." Wika niya uli.
"Irene, hindi tao ang basehan dito, yung nararamdaman mo." Banggit ni Taeyeon sabay inom ng tubig.
Huminga nalamang siya ng malalim at bumalik sa pagkain,
"Nakakainis. Matatagalan pa ako dito?" Sabi ni Irene at napairap naman si Taeyeon, "Ewan ko sa'yo, kumakain ako eh."Naiiritang sagot ni Taeyeon.
"Nga pala--"
"IRENE! Pakainin mo muna ako." Pinutol ni Taeyeon ang nga salita ni Irene.
Nakatanggap ito ng masamang titig galing kay Irene bago ito bumalik sa pagkain.
Natapos ang ilang minuto,
"Ano yung sasabihin mo?" Tanong ni Taeyeon kay Irene.
"Sinama nila ako, aalis na daw kasi si Seulgi kaya ayun aalis na din sila." Matamlay na wika ni Irene.
"Isasama ka naman pala, bakit parang malungkot ka?" Tanong ni Taeyeon, napansin niya na tila nawala ang ngiti ng dalaga na nasa kaniyang harapan. "Kasi aalis si Seulgi 'no?" Tanong ni Taeyeon na agad tinanggi ni Irene, "Ha? Hindi ah, sino ba siya?" Irene said, "Uy! Si Seulgi!" Malakas na sabi ni Taeyeon at agad namang naghanap ni Irene. "Tarantado." Sabi ni Irene nang maisip niya na nagbibiro lamang si Taeyeon, Tumawa nang malakas si Taeyeon at nagsimulang magtinginan muli ang mga tao.
"Grabe makatawa?" Naasar na sabi ni Irene, biglang tumahimik si Taeyeon ngunit nakangiti padin ito.
"Putangina Irene, si Seulgi." Sabi muli ni Taeyeon, "Hindi mo na ko maloloko, eh kung sabihin ko kayang andito si---" Tuloy tuloy na sabi ni Irene at bigla nalamang siyang napahinto dahil may pamilyar na boses ang biglang nagsalita.
"Andito din pala kayo."
Hindi nakagalaw si Irene sa kaniyang kinauupuan at hindi din niya nagawang lumingon.
"Seulgi." Tumayo at ngumiti si Taeyeon bago yakapin si Seulgi, napalingon siya sa isang dalaga na nasa tabi ni Seulgi. "At sino naman 'tong kasama mong maganda?" Bigkas niya na may tono ng pang aasar kay Seulgi.
"Hi, i'm Krystal po." She softly said. "Dito na kayo umupo." Taeyeon offered, "Pwede?" Tanong ni Seulgi. "Oo naman, mukhang puno din yung ibang lamesa." Sagot ng kasama ni Irene, "Usog." Bulong ni Taeyeon kay Irene habang pinipilit na tumatabi kay Irene. "Ano ba?" Mataray na bulong ni Irene.
"Umusog ka, uupo sila." Sagot ni Taeyeon, tumingin si Irene kila Seulgi at pinagmasdan ang dalawa bago umusog.
Walang imik ang bawat isa.
Ngunit napagpagisipan ni Taeyeon na basagin ang katahimikan.
"Seulgi, aalis ka daw?"
"Opo." Sagot niya habang nakatango. "Magpinsan kayo?" Tanong muli ni Taeyeon, tinapik ni Irene ang kaniyang katabi sa braso at tinignan ng masama.
"Nagtatanong lang ako." Sabi niya, "Chismosa." Sagot ni Irene sa kaniya.
"Dati ko pong jowa." Sabi ni Seulgi at muling silang tumahimik.
"Ang awkward." Bulong ni Taeyeon na narinig ni Irene, "Epal ka kasi eh." Sagot sa kaniya, "Parang lagi kang may pambara sa mga sinasabi ko." Ngumiti si Taeyeon. "Epal ka naman kasi talaga." Sabi muli ni Irene, "Oo na, epal na." Tumawa si Taeyeon.
"Kayo? Magkaibigan kayo diba? Magkaibigan parin kayo?" Tanong ni Seulgi sa kanila, ngumiti si Taeyeon at sumagot. "Hulaan mo. Sa tingin mo magkaibigan padin kami."
Hinampas siya ni Irene nang malakas, "ARAY!" Sigaw nito, "Kala mo naman talaga papatulan kita." Tuloy ni Taeyeon habang nagkukuwari na nasusuka. "Sinagot mo nalang sana ng maayos, diba?" Sambit ni Irene na may halong inis.
"Magkaibigan nga kayo." Masayang sabi ni Krystal. "May comeback atang magaganap." Bulong ni Taeyeon. "Kanina ka pa." Irene said sabay irap muli.
"Bakit kayo magkasama?"
Dire diretsong banggit ni Taeyeon.
"Gusto ko po kasing magpaalam." Krystal said, "ah kasi aalis na si Seulgi?" Sagot ni Taeyeon at tumango lamang si Krystal.
Maya maya ay natapos na ang pagkain ni Irene at Taeyeon.
"Alis na kami." Taeyeon said. "Halika na, 'di pa sila naguusap." Bulong nito kay Irene.
Nagtagpo ang mga mata nila Irene at Seulgi, na parehong nagsasabi na wag na munang lumiban sa tabi ng bawat isa.
"S-sige, tara." Sagot ni Irene.
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fiksi Penggemar"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished
