Chapter 22 : Ang buwan at ang mga bituin

144 10 0
                                    

"Okay lang naman sa'yo? Okay lang sayo sumama?" Tanong ni Wendy habang naghahanap ng jeep na masasakyan.

"Oo naman." Sagot ni Irene. "Irene, kung papapiliin ka, Ako o Seulgi?" Biglaang tanong ni Wendy, "Ang hirap, sarili ko nalang pipiliin ko." Sagot niya sabay tawa.

Pagkatapos non ay nakahanap na sila ng masasakyan at umuwi na.

Naunang pumasok si Irene at sinundan siya ni Wendy, sabay silang umupo sa sala at huminga nang malalim si Wendy. Nakakatitig lamang ito kay Irene at parang may iniisip.

"Tara." Wendy simply said, hinawakan niya ang mga kamay ni Irene.

Tumayo sila pareho at naglakad si Wendy, hawak parin niya ang kamay ni Irene.

Sa gilid ng gusali ay mayroong mga hagdan at umakyat sila dito.

Binuksan ni Wendy ang pinto at tumigil sila pareho sa paglalakad. 

Tumingala si Irene habang naghahabol ng hininga, nakita niya ang mga  walang katapusang bituin at ang nakakabighani na buwan.

"Irene." Tawag ni Wendy, 

"The moon is beautiful, isn't it?" Ngumiti si Wendy sakaniya, "Sobrang ganda." Pati narin si Irene ay napangiti.

Tumingin si Wendy at bumilis ang tibok ng kaniyang puso, kasabay nito ang pagbagal ng kaniyang mundo. Ibinuka niya ang kaniyang bibig at nagaalinlangan magsalita, para bang may pumipigil sa kaniya.

Huminga siya nang malalim at inipon ang kaniyang tapang, ngumiti ito at nagsalita, "Gusto kita," ,tumingin sa kaniya si Irene at inaantay ang kaniyang mga susunod na salita. "Mali, akala ko gusto kita pero habang tumatagal naiisip ko," Wendy sighed.

"Nagsimula na pala yung puso ko na mahalin ka." Wendy continued. "Ang tagal kong hinintay 'to." Wika ni Irene sa sarili niya, 

Nagtama ang kanilang mga mata at nagsimula ang  pagbago ng ihip ng hangin.

Lumamig,

Nakakataas balahibo.

"Tapos na, Makakauwi na ako." Irene said to herself.

Huminga siya nang malalim at  nagsalita, " Wendy---" 

"Hindi okay lang kung hindi mo ako gusto, pasensya---" Pinutol ni Wendy ang mga salita ni Irene at ganon din ang ginawa ni Irene, "Mahal kita." She said.

Pumikit si Irene at parang huminto ang lahat, "Eto na yon." Sabi niya.

"T-Talaga?' Rinig niyang sabi ni Irene, "Ha?"Tugon ni Irene. 

"O-oo." Ngumiti si Irene, "Hindi naman kita minamadali." Wendy said, softly.

"Aantayin kita." She continued.

"Anong nangyari? Bakit hindi padin ako nakakabalik? May mali." Sabi ni Irene sa kaniyang sarili, tumingin muli siya kay Wendy na nakatingin sa buwan, 

Habang nakatitig siya, isang pangalan lamang ang pumasok sa isip ni Irene.

Seulgi.

Eklipse✔Where stories live. Discover now