Seulgi's POV
Habang nagmimisa ay naramdaman kong nakatitig sa aming pwesto ang magandang dalaga na nasa tabi ko.
Tignan ko kaya pabalik? Ano kayang tumatakbo sa isip niya?
Lilingon na sana ako ngunit bigla siyang bumulong.
"I do, father."
Narinig ko 'yon. I do agad? Ang pogi ko talaga.
Para mapigilan ko ang aking ngiti ay nagtanong ko, "Ha?"
"W-wala, sabi ko I do. Ay! Este Amen." Sagot niya.
Talaga lang?
Lumingon ako muli sa pari habang nakangiti.
Ngunit muli kong naalala, hindi ako ang gusto niya. Baka si Wendy pala yung tinitignan niya, baka si Wendy pala yung iniisip niya.
Lumingon ako kay Wendy at nagtanong, "Anong gusto mo sa isang tao?"
"Bakit?"
"Wala, tanong lang."
Tumango siya, "Alam mo, sa'yo ko lang sasabihin 'to ah." Banggit niya at lumapit ako at bumulong siya.
"T-talaga?" Tanong ko at muli siyang tumango. "Tulungan mo ako ah." Sabi niya habang nakangiti.
____________________________________
Lumabas sila sa simbahan at napansin ni Seulgi ang mga street foods sa gilid.
"Ah! Irene!" Seulgi exclaimed, "halika." Tuloy niya, hinawakan niya ang kamay ng dalaga at hinatak ito papalapit sa mga pagkain.
"Eto, try mo 'to." Banggit ni Seulgi habang inaaboy kay Irene ang isang stick ng calamares.
"Ano 'to?" Tanong ni Irene, "basta masarap yan." Sagot ni Seulgi habang nakangiti.
"Ano bang meron?" Tanong ni Wendy, papalapit ito sa kanila at tinitignan ang mga binebenta.
Ngumiti ng abot tenga si Irene nang matikman niya ang binigay ni Seulgi.
"Ano 'to? Ang sarap." Wika niya, sarap na sarap ito at bumili pa ng isa. "Hoy, ano ito?" Ulit na tanong ni Irene.
"Mamaya ko nalang sasabihin, ubusin mo muna yan." Natatawang sabi ni Seulgi.
"Ako na magbabayad, Seul." Sabi ni Wendy, nakatingin din ito kay Irene at nakangiti. "Sige." Matipid na sagot ni Seulgi.
"O, ubos na, ano yung kinain ko?" Tanong ni Irene habang pinapakita kay Seulgi ang stick.
"Bituka, bituka ng hayop." Seulgi smirked.
"Tangina." Irene whispered. "Seryoso?" Tanong niya. "Oo nga." Sagot ni Seulgi habang tumatawa, natawa nalaman din si Irene. "Kadiri." Banggit niya, tinakpan ni Seulgi ang bibig niya. "Marinig ka ng nagtitinda." Bulong ni Seulgi sa kaniya at natawa uli.
Tinanggal ni Irene ang kamay ni Seulgi at nagsalita ng malakas, "masarap naman ah!"
"Masarap talaga yan, libre eh." Seulgi smiled at inakbayan niya si Wendy.
"Oo, ako na magbabayad niyan." Sagot ni Wendy. Tinaas ni Seulgi ang dalawa niyang kilay at ngumiti.
"Eto pa oh! Kwek kwek." Turo ni Wendy, "Masarap yan, paborito ko yan!" Wendy added.
"Ako basta pinaka gusto ko diyan yung calamares." Seulgi said.
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fanfiction"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished