Pinatay ko ang alarm na kanina pa tumutunog sa tabi ko, tumayo ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape dahil buong gabi ako nagisip kung dapat ko pa ba ituloy 'to.
And suddenly, my phone started to vibrate, Jennie's calling.
"ATE! ARE YOU READY NA BA? MAMAYA NA 'YON!" Napalayo ako sa cellphone ko nang konti dahil sa lakas ng boses niya.
"Actually Jen, pwede bang hindi ako tumuloy? Pwede bang next time nalang? May gagawin kasi ako." Sabi ko sa kaniya, dahan dahan.
"WHAT? NO! Nagpapagood shot ako sa crush ko eh, makipag cooperate ka naman." Sagot niya at ramdam ko ang irap niya.
"Bukas? Sure ako bukas." Muli kong banggit at nagbabakasaling papayag na siya.
"No, bahala ka jan, i'll never talk to you again kapag hindi ka pumunta." It's Jennie and her patner, threats.
Bago pa ako makapagsalita ay bigla na niyang binaba ang tawag....
Bastos na bata,
Natawa nalamang ako nang mahinhin kasi kahit anong gawin ko ay si Jennie pa rin ang mananalo.
I guess i have no choice.
"READY KA NA BA?!" Jennie shouted, kakapasok palamang namin sa loob.
Mga ilaw na galing sa iba't ibang direksyon, malakas na tugtog na halos kailangan mo pang sumigaw para lamang magkarinigan kayo ng kausap mo, mga taong sumasayaw na nakakabangga namin.
Andaming nagaganap.
Binuksan ni Jennie ang isang kwarto,
humina ang tugtog na nasa labas dahil sa pagsara ni Jennie ng pinto,At doon...
Nakita ko ang mga taong nakilala ko sa panahon niya,
Sa loob ng ilang segundo nakalimutan kong huminga at gumalaw.
At para bang bumagsak ang lahat dahil hindi ka nahanap ng aking mga mata.
"Ate Irene, this is Lisa. My friend." Sabi ni Jennie at tumayo ang matangkad na babae. Inabot niya ang kaniyang kamay at ito'y aking tinanggap ng may ngiti.
"Sila yung mga friends niya." Sabi niya muli, tinignan ko sila at walang nagbago, kahit isa.
Umupo ako sa gilid ni Jennie at hinayaan lamang sila sa kung ano man ang ginagawa nila.
"Irene, sorry ang tagal ng kaibigan namin. Natraffic ata." Sabi ni Lisa,
At syempre siya na 'yon.
Sana siya na.
Lumakas ang kabog ng aking puso, sinabay ko ang aking ngiti sa sagot ko, "Okay lang."
"Jennie, cr lang ako." At muntik pa mautal,
Nagaautomatic na talaga ang pagngiti ko no'ng sinabi 'yon ni Lisa, na kahit sa loob ng CR ay nakangiti pa rin ako.
Umihi lamang ako at tinignan ang sarili sa salamin. Huminga ako nang malalim at hindi pa rin natatanggal ang ngiti sa aking mga mukha.
"Pero pa'no kung hindi siya?" Tanong ko sa sarili ko at bigla nalamang akong mas napaisip, nawala ang aking mga ngiti. "Paano nga kung hindi siya?"
"Okay, Irene walang aasa." Sabi ko muli sa sarili ko.
Naglakad ako pabalik at para bang bumagal ang buong mundo ko dahil pagbukas ko ng pinto ay ang mga mata mo ang unang bumungad sa akin.
Tumayo ka ngunit parang ang lahat ay isa pa ring panaginip. Muli, hindi ako nakagalaw at para akong nakakita ng multo,
Sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ay para bang sasabog ito, gustong tumulo ng mga luha dahil sa saya, at gusto kong yakapin ka.
"Ate Irene, si Seulgi, siya yung tutulong sa'yo." Sabi ni Lisa, pareho silang nakangiti.
Oh that smile, i love that smile.
"Oy, ikaw yung may ari ng bag diba?" Tanong niya,
Oo nga pala, yung bag.
"Oo," Abot langit nanaman ang aking ngiti at hindi pa rin kumakalma ang aking puso, "Andito ka lang pala." Tuloy ko.
"Hindi naman ako mawawala, andito lang ako." Sagot niya, i chuckled softly.
------------------------------------------
YUN OH HAPPY ENDING! Happy kasi ako tapos na online class HAHAHAHA, thank you for reading this story, sana nagustuhan niyo yung ending at yung story mismo<33 see you sa susunod na story;)
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fanfiction"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished