Chapter 12 : I Do, Father

172 10 0
                                    

"SEULGI!" Sigaw ni Jisoo na lasing na, "Don't hide it." Dagdag niya habang nakangiti.

"Dami mong alam, nageenglish ka pa." Sagot ni Seulgi. "Kapag lasing lang naman yan nagiging amerikano eh." Yeri laughed.

"Uwi na!" Sigaw ni Seulgi. "Bakit? 'Di pa ubos yung alak oh!" Sagot ni Jennie.

"Lasing na lasing ka na." Irene softly said, Jennie smiled at her. "Okay, uuwi na kami, ate Irene." Jennie softly said.

"Tara na Jen." Banggit ni Lisa at inalalayan niya si Jennie palabas.

"Alis na kami." Joy said then drag Yeri out of Seulgi's house.

"Ako na bahala dito kay Jisoo." Wendy said. Lumabas sila pareho ni Jisoo.

"Babalik yon?" Tanong ni Irene, "Ewan." Matipid na sagot ni Seulgi. "Anong ewan? Diba pinsan mo siya?" Tanong muli ni Irene.

"Oo pinsan ko siya pero may sarili siyang buhay." Seulgi answered making Irene silent.

Tumayo si Seulgi nagsimulang maglinis, "Si Wendy ba yung dapat mong hanapin?" Tanong ni Seulgi at napatigil si Irene. "B-Baka?" Hindi siguradong sagot ni Irene.

"Aamin ko, gusto ko siya pero sa tingin ko, 'di siya yung dapat kong hanapin." Tuloy ni Irene. "Pero pwede nating itry tas tignan kung siya ba talaga." She continued, Seulgi looked at her.

"Paano?" Tanong ni Seulgi, "Kailangan ko lang magsabi na gusto ko siya." Irene answered, tumawa nang malakas si Seulgi. "Niloloko mo'ko eh. Madali na yan, gusto mo na siya." Sagot ni Seulgi.

"Tulungan mo parin ako." Wika ni Irene at lumapit kay Seulgi. "Please." Tuloy niya.

Walang nagawa si Seulgi at sumangayon nalamang siya.

_________________________________________

"IRENE! Gising na!" Sigaw ni Seulgi galing sa labas ng kwarto.

Ibinukas niya ang kaniyang mga mata at tinignan ang orasan sa gilid niya.

6:00 am

"Ang aga pa!" Sigaw niya pabalik. Binuksan ni Seulgi ang pinto at nagsalita. "Hoy! Pupunta tayong simbahan kasama si Wendy."

Nabuhay ang diwa ni Irene dahil narinig niya ang pangalan ng taong kailangan niya.

Dali dali siyang tumayo at naghilamos.

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya sa kwarto at bihis na.

"Tara." Banggit ni Seulgi at binuksan ang pinto para kay Irene.

______________________________________

Irene's POV

Nakarating kami sa simbahan at nakita ko na maraming tao.

"Andaming tao." Mahina kong sabi kay Seulgi. "Ganyan talaga, linggo kasi ngayon. Sagot niya, hinawakan niya aking kamay at naglakad muli kami papalapit sa simbahan.

Nakita ko si Wendy na nakatayo sa tapat at inaantay kami, kumayaw si Seulgi sa kaniya. Binitawan niya ang kamay ko at lumapit kami.

Sabay sabay kaming tatlo na pumasok sa simbahan.

Umupo kami sa dulo at ang mabait na Seulgi ay umupo sa pagitan namin.

"Bakit ka naman umupo sa gitna?" Naiiritang tanong ko.

"Gusto ko, bakit ba?" Pangasar niya.

Sa kalagitnaan ng misa, napatingin ako kay Seulgi. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam ang gagawin ko kung mahuli man niya akong nakatingin sa kaniya.

Ikaw na kaya 'yon? Pero hindi ka takot na mawala ako, wala ka ding pake sa'kin.

Kasing ganda ng kaniyang mga mata ang duyog na nasaksihan ko bago ako makapunta dito.

"I Do, Father." Bulong ko, napalingon siya sa akin. "Ha?" Tanong niya. "W-wala, sabi ko I do. Ay! E-este Amen." Palusot ko at tumingin muli sa pari na nagsasalita

"Kasalanan yan." Paalala ng isang lalaki sa gilid ko. "Yung?" Tanong ko. "Magkagusto sa parehong kasarian, hindi nagsisinungaling ang mga mata."

Tinignan ko siya.

Si Bogum pala ito, pati ba naman dito?

"Ikaw, kasalanan ka lang ng nanay mo." Sagot ko sabay irap sa kaniya.

Eklipse✔Where stories live. Discover now