Chapter 21 : Narinig Mo Na Ba?

146 10 0
                                    

IRENE POV 

Umagang umaga ay mag kumakatok sa labas, tumayo ako at lumapit sa pinto upang pagbuksan ang kung sino mang nasa labas.

Istorbo naman neto.

Nanlaki ang aking mga mata at hindi ako makagalaw nang makita ka na nakatayo sa harap ko. Nakayuko ka at hindi mo ata alam na ibinukas ko na ang pinto

Bakit ka andito? Bakit kahit nakayuko ka ay kita ko na parang mugto ang mga mata mo? 

"S-Seulgi." Tawag ko. Inangat mo iyong ulo at naramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtibok ng aking puso, tuluyan naring nanigas ang aking buong katawan.

"Irene," Sabi niya, paos ang iyong boses at mas lumalim ito. 

Pwede na ata akong ibaon sa lupa.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga salitang susunod na sasabihin mo,

"Irene, bumalik ka na." Sabi mo, tinignan kita sa iyong mga mata.

Puno ito ng lungkot. "Bumalik ka na kahit saglit lang," She paused. "Kahit saglit lang." Ulit niya.

Nakita ko si Wendy na kakagising lang at agad tumingin sa akin.

Lumapit siya at nakita si Seulgi sa labas.

"Bakit ka andito?" Sabi niya kay Seulgi habang nakatingin nang matalim.

"Narinig mo na ba?" Tanong niya, "Ang ano?" Sagot ni Wendy. "Magkita kita daw sabi ni Lisa." Matipid na sabi ni Seulgi.

"Sige." Mas matipid na sagot ni Wendy. Agad niyang sinara ang pinto at bumalik sa kaniyang kwarto.

Bakit sila magkikita?

Huminga ako nang malalim at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape.

Nakakabaliw dito.

________________________________________________________________________________

Muli silang nagkita kita sa isang disco na malapit kila Lisa at lahat ay ramdam ang pagkailang ni Seulgi dahil sinama ni Wendy si Irene.

"Ehem." Joy faked a cough. "Siguro naman ay nasabi na ni Seulgi sa inyo." Banggit ni Lisa habang nakatingin kay Wendy. "Ang ano ba?" Naiiritang sagot ni Wendy. 

"Hindi mo sinabi?" Tanong ni Lisa, umiling lamang si Seulgi at yumuko. "Anong ginawa mo nung pumunta ka sa kanila" Tanong muli ni Lisa. "Wala." Mabilis na sagot ni Seulgi.

"Aalis na daw si Seulgi dito sa Pinas, sa susuno na buwan." Agad na sabi ni Joy at kinurot naman siya ni Yeri na katabi niya. "Aalis ka?" Mahinang tanong ni Irene. "Bakit hindi mo sinabi?" Sunod sunod na tanong ni Irene, "Pag sinabi ko ba, may magbabago?" Sagot ni Seulgi at hindi na sumagot si Irene.

"CHEERS!" Sigaw ni Jisoo habang tinataas ang baso at lahat ay ginaya siya.

"Naisip namin na pumunta tayo sa Batangas, bago siya umalis." Sabi ni Jennie, "Ang humindi, pangit." Tuloy niya at ngumiti na parang nangaasar. "Tatlong araw lang tayo doon." Sabi ni Yeri. "Sumama na kayo, pati na ikaw, Irene." Wika ni Joy

"Seulgi" Tawag ni Yeri, hindi ito nakatingin kay Seulgi ngunit nakatingin ito sa babaeng nasa pinto.

Tumingin ito pabalik sa kaniya at nagsimulang kabahan si Yeri, tumigin din si Joy at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat.

"Ay patay." Jennie said. "Sino nagsabi sa kaniya na andito tayo?" Tanong ni Lisa, "Hindi ako." Agad na tanggi ni Yeri, "Hindi din ako." Sabi ni Joy. Tumingin sila kay Jennie, "Mukha bang kakausapin ko yan?" Jennie rolled her eyes.

Nakalapit ang babae at nagkunwari sila na parang walang nangyaring sisihan.

"Hi." She said, Irene looked at her.

"Bago? Hi, i'm Krystal." Bati niya habang nakangiti kay Irene.

"Bagong jowa mo, Seulgi?" She suddenly asked, walang reaksyong pinakita si Seulgi.

"Hindi." Seulgi simply said, tahimik ang lahat at irap lamang nang irap si Jennie.

"Seulgi, aalis ka na daw?" Banggit ni Krystal na may halong lungkot ang kaniyang tono. "Oo." Matipid na sagot ni Seulgi.

"Bakit ka andito?" Tanong ni Seulgi habang nakatingin sa kaniya, "Gusto lang kitang tanungin kung aalis ka na talaga." Sagot niya, "Nasagot ko na, umalis ka na." Wika ni Seulgi,

Biglang hinampas ni Yeri si Joy nang malakas. "ARAY NAMAN!" Joy shouted.
"Sorry natatawa kasi ako." Palusot ni Yeri habang pinipigilang tumawa. "Natatawa kanino?" Masungit na tanong ni Krystal. "Natatawa ako kay Joy." Mabilis na sagot ni Yeri.

Eklipse✔Where stories live. Discover now