"Tangina naman non ni Seulgi! Iniscam ako." Irene said, seating in the living room. It's almost 6 am, inaantay niya si Seulgi umuwi dahil iinom dapat sila.
Tumayo siya sa upuan at lumapit sa ref.
Ngumiti ito ng makita ang patong patong na beer sa loob.
"Sorry Seulgi, babayaran nalang kita." She whispered.
Pumasok ito sa kwarto habang bitbit ang mga alak at pumunta sa balcony. Binuksan niya ang isang beer at nagsimula siyang uminom habang pinagmamasdan ang tanawin.
Seulgi's POV
Binuksan ko ang pinto at tinignan ang sala,
Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong walang tao.
"Asan na yon? Baka umalis na." Bulong ko. Pumasok ako sa kwarto at dire direstong humiga sa kama.
Tumingin ako sa kaliwa at nakitang may nakaupo sa dulo ng balcony.
It was her, she's looking deeply at the view, hindi ko alam ngunit nanatili ako sa posisyon ko at tinitigan lamang siya.
Ang payapa niya at ngayon ko lang din napansin na mala anghel pala ang kaniyang muka.
Napagdesisyunan kong lumapit at umupo sa kaniyang tabi.
Our feets are hanging and only the metal bars are stopping us from falling.
Ramdam namin pareho ang malakas at malamig na hangin.
"Akala ko ghinost mo na ako." Malumanay na sabi niya. "Ha? Ghinost?" Tanong ko. "Oo, yung nawala bigla tas 'di na nagparamdam." Sagot niya.
Nasaktan ba 'to?
Tumawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya.
"Lasing ka na?" Tanong ko. "Konti." Sagot niya habang nakangiti, 'di ko napansin na nakangiti narin pala ako habang nakatingin sa kaniya.
"Yan!" Biglaang sigaw nito. "Yan! Ngiti ka lang, ang sumimangot, panget." Wika niya habang tinuturo ako. "Joke lang, hindi pa ako lasing promise." Tuloy niya.
Ang daldal ah.
Tumingin ito sa tanawin, ang kaniyang ngiti kanina ay napalitan ng isang lungkot na kita sa mga mata niya.
"Miss ko na mga magulang ko, pati mga kaibigan ko." She said. "Nasaan ba sila?" Tanong ko.
"Nasa ibang bansa!" Malakas na sabi niya.
"Gusto ko na bumalik kaso may kailangan pa akong gawin." Tuloy niya.
"Ano bang dapat mong gawin?" Muli kong tanong. "May kailangan akong hanapin." Mahinang sagot niya.
"Mahal kita."
Ano daw? Tama ba yung narinig ko?
Hindi ako nakagalaw sa aking pwesto at nakatitig lamang ako sa kaniya.
"HAHAHAHAHAHA!" Bigla itong tumawa ng malakas. "B-bakit?" Banggit ko habang nauutal.
"Dapat nakita mo yung mukha mo! Joke lang ano ba!" Sigaw niya, tumatawa ito habang pumapalakpak.
"Tutulungan kita." I said out of nowhere.
Napatigil ito sa pagtawa at napatanong, "Saan mo'ko tutulungan?"
"Kung sino man hahanapin mo." Sagot ko. Tumango ito, dahan dahan.
"Sige! Pakilala mo ako kay Wendy!" Sagot niya at tinungga ang bote ng alak.
Kukuhain sana muli niya ang bote na nasa tabi niya ngunit hinawakan ko ang kamay niya at napatigil siya. "Bakit yung pinsan ko?" Tanong ko.
Gusto ko lamang malaman kung bakit.
"Wala, feeling ko lang siya ang makakatulong sa'kin." Sagot niya, binitawan ko ang kaniyang kamay at hinyaan siyang kunin ang bote.
"Basta, maging malapit lang kami ng pinsan mo, pwede na akong umalis dito." Banggit niya.
"Sige, tutulungan kita mapalapit kay Wendy. Para 'di ka na manatili dito sa bahay." Sabi ko sa kaniya at uminom.
"Talaga lang ha, Baka kainin mo 'yang mga salita mo." Sagot niya. "Ako? Hindi yan mangyayari, mamatay man si batman."
"Sana nga." Bulong niya.
Tumingin muli siya sa araw na papaangat palamang.
"6 na ba ng umaga?" Tanong niya habang nakangiti. Nagkibit balikat ako at tumayo na.
"Tama na yan, matulog ka na. Sa sofa nalang ako matutulog." Sabi ko habang dinadampot ang mga bote.
"Parang baliktad? Ako ata dapat sa sofa." She said. Umiling ako at ngumiti ng kaunti. "Okay lang, ikaw na matulog sa kama." Sagot ko.
YOU ARE READING
Eklipse✔
Fanfiction"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished