Chapter 25 : Hoy Seulgi

153 11 0
                                    

"Alam mo pare, ako ha, basta ako totoo ako sayo." banggit ni Jisoo habang nakahawak sa balikat ni Lisa. Tumingin ako kay Joy na kanina pa nagpipigil ng tawa.

"Ampanget malasing ng mga bobo." Joy said while laughing. "Irene hindi ko kilala 'yang mga 'yan." Yeri said to me then i smiled.

Tumayo si Lisa at naglakad papalapit sa Pool. "Pare wag ka jan tanga." Sabi ni Jisoo.

"Hindi ako lasing." Sagot ni Lisa habang nakangiti at nagpatuloy sa paglalakad.

Nakita kong umirap si Jennie bago tumayo at pumunta dito.

"Hoy tara na nga matulog ka na." Sabi niya habang inaaalalayan si Lisa papaakyat sa mga kwarto.

at nabawasan na ng dalawa.

hanggang sa umakyat na isa isa,

at muli...

kaming dalawa ang natira.

minsan nararamdaman kong nanadya nalamang sila upang makapagsama kami.

she awkwardly laugh before looking at me. "Ayaw mo na?" she said, looking at the shot glass.

umiling ako.

"Nanadya na ata sila." Sabi niya habang nakangiti muli.

Nagbabasa ka ba ng isip?

i smiled at her.

pero hindi naman mabasabasa na gusto kita.

"Mas gusto mo bang maging mapayapa kesa sa lumaban?" bigla kong tinanong sa kaniya na kahit siya ay napatigil.

"lumaban?saan?" tanong niya.

"wala, sa kahit ano, sa pagibig ganon."sagot ko.

"ahh ganon? ewan ko eh, depende siguro pero pag kaya ko sinisubukan ko naman." sagot niya.

"Seul." I said.

Hindi ko alam pero para akong inutusan ng kalawakan at sinunod ko naman.

I pressed my lips into hers.

We stayed like that for few seconds until she decideds to break it.

I smiled, "I love your eyes."

Tumayo ako at pumasok na sa loob. Tumingin muli ako sa kaniya at nakitang hindi pa din siya nakakagalaw.

SEULGI POV

Ano 'yon?

Hindi pa din ako makakagalaw sa aking pwesto at iniisip pa din ito. Hindi ko din namalayan na may ngiti na sa aking mga labi.

"Hoy Seulgi." Tawag ni Yeri. "Baliw ka, bakit ka nakangiti mag isa jan." Tuloy niya.

"H-ha?" Sabi ko.

"Andoon na si Irene sa loob tapos andito ka pa din. Pumasok ka na." Sabi niya.

Nginitian ko nalamang siya upang mabawasan ang aking pagkapahiya at dahan dahan naglakad papasok sa loob.

Eklipse✔Where stories live. Discover now