Pagpasok ni Irene ay agad niyang nakita si Wendy na nakatulala at hindi gumagalaw, nakasandal pa ito malapit sa pinto ng kwarto ni Seulgi.
"Wendy?" Mahinang tawag ni Irene, nilingon niya ito at mukhang nagulat sa kaniyang pagtawag.
"Uhm, Irene, gusto mo sa amin ka nalang muna manatili?" Agad na sabi ni Wendy, agad na nagkasalubong ang kilay ni Irene at nagtanong, "Bakit? Sa inyo?"
"Oo, Mas magiging komportable ka doon." Ngumiti si Wendy. "N-Ngayon na?" Tanong muli ni Irene habang nagdadalawang isip sa pagagalaw.
Pumasok sa kwarto si Irene at kinuha ang kaniyang bag, bumalik muli siya sa sala. "E-Etong damit na gamit ko, hiniram ko lang kay Seulgi. Paano 'to?" Tanong ni Irene habang hawak ang babang parte ng suot na damit.
"Teka, bakit ba parang nagma-" Hindi na naituloy ni Irene ang kaniyang mga salita dahil biglang bumukas ang pinto.
"B-bakit ka andito?" Mabilis na tanong ni Seulgi, seryoso ito at walang emosyon ang kaniyang mga mata. "Sa amin na muna si Irene." Sagot ni Wendy na tila ba nagaalinlangan.
"Bakit?" Tanong ni Seulgi at tumingin kay Irene. Nanatili lamang na nakatayo si Irene at hindi sumasagot. "Sasama ka?" Muli niyang sabi, napunta ang kaniyang mga mata sa maliit na bag na dala ni Irene at paulit uli itong tumango. "Okay, sasama ka nga." Banggit niya at naglakad papasok sa kaniyang kwarto.
"Okay na?" Tanong ni Wendy kay Irene at tumango si Irene.
Naglakad sila papalabas,
"Inaantay kita na pigilan ako, inaaatay kong hawakan mo ako sa kamay at sabihin na manatili nalang ako, hinaantay ko." Irene said to herself then sighed.
"Pero nang nakalabas kami, kahit anino mo ay hindi ko naaninag sa labas ng pinto." Tuloy niya.
"Ayos ka lang?" Tanong sa aking ni Wendy, tumango ako at ngumiti.
"Siguro nga, ikaw yung hinahanap ko." Irene said to Wendy. "Hinahanap?" She replied, muling ngumiti si Irene.

YOU ARE READING
Eklipse✔
Hayran Kurgu"Paano po natapos ang storya n'yong dalawa?" "Noong sinabi ko na mahal na mahal ko siya" Was there a lifetime waiting for us? SEULRENE FF (TAGALOG) ✔Finished