Chapter:3

29 2 0
                                    

[Chapter:3]


MASAYA kaming nanginginain nila Lia, Mae, at Anne sa canteen. Nagchichismis lang kung ano bang nasagot namin sa quiz kanina sa Filipino. Nakakastress kaya lahat ng ganap namin ngayon.

Natawa na lang kami kasi nakalimutan naming may quiz pala at nag rush kami magreview kani-kanina lang.

"Bobo natin" tawa ni Anne habang puno pa ng mga pagkain yung bunganga niya. Natawa na lang rin kami sa mukha niya dahil nabulunan pa ito pagkatapos na pagkatapos magsalita. Hinay lang naman kasi kumain baka mabilaukan ka niyan.

"Hay nako buti nga nakapasa pa tayo kahit pasang awa lang ayos na 'yon" patuloy naman ni Lia habang nanginginain din ng baon sa kaniya ng mama niya.

Nasa chilltop kami dahil makulimlim lang naman at hindi naman gaanong masakit sa balat ang init na dala tuwing mag aalastres na ng hapon. Kaunti lang din ang tao dahil karamihan naman ng estudyante ay nasa baba at ang iba naman nagrereview sa kani-kanilang room at ang iba naman ay natutulog lang.

Nagpaalam naman si Lia na bibili siya ng maiinom sa canteen ng biglang sumulpot sa gitna niya si Christian, ang manliligaw ni Lia. Nagkatinginan naman kaming tatlo habang pilit pinipigilan ang tawa dahil kitang kita sa mukha ni Lia na naiirita na siya kay Christian. Manliligaw feels.

"Ano bang gusto mo Ian?" Tanong ni Lia habang nakatayo silang dalawa sa gilid namin. Lq kayo ha.

"Lia please pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang... Tanggapin mo naman 'to" pagmamakaawa niya at aktong luluhod pa siya. Pinigilan ko naman siya at hinayaan ng umalis si Lia. Bakit kailangan pang lumuhod!? May ganon!?

"Halika nga rito Ian magusap tayo" sabi ni Mae habang pilit naming pinapaupo si Ian sa bakanteng upuan. Pano ba naman kasi, ang tagal tagal ng nanliligaw umaasa pa rin at hindi pa rin sumusuko. Sa bagay, pag-ibig nga naman.

"Ian let me clear this up for you, ok?" Sabi ko naman habang nilalahad sa kaniya ang bakanteng upuan. Agad naman din siyang umupo na may lungkot na pakiramdam. Iba talaga ang atmosphere dito.

"Ian study first si Lia alam mo naman 'yon diba?" Sumbat ni Anne habang kumakain pa rin. Tama, Lia has strict parents at kami lang nila Mae at Anne ang pinagkakatiwalaan nila Tito at tita.


"And alam mo namang... Allergic siya sa boys haha" patawa kong sabi dahilan para ngumiti siya ng marahan. Lia been busted since she was Elem... Kaya ayun, nahiya na siyang makipag interact dahil hindi siya gusto ng crush niya nung Elementary kami. I feel her, Chos!


"Mahal ko kasi siya" He answered shortly. Well, hindi rin naman kita masisisi Christian.

Ano nga ba ang magagawa mo. Napahalukipkip na lang ako at tinapik yung balikat niya. Mabait si Ian, maasahan at parang barkada na rin namin dahil tinutulungan niya kami sa mga bagay at lalong lalo na sa academics.

Tinuturing na rin siyang kaibigan ni Lia...but sadly, Kaibigan lang. Mahigit anim na buwan na rin simula ng nagtapat siya ng pag-ibig kay Lia at nagsimulang manligaw. Hindi naman din namin mapipilit si Lia dahil iba nga ang type niya. Kung baga mapili sa ulam ganun din sa boys! Haha.

Ang kaso lang ay hindi talaga siya ang lalaking natitipuhan ni Lia at lalong lalo na hindi pa pumapayag si tita Bella na magka-boyfriend siya. Kaya naman lagi siya saming ipinagbibilin ni tita Bella upang hindi rin siya makawala sa'min. I felt sad about kay Christian. Lia doesn't have time for loved as of the moment. Sana maintindihan niya 'yun.

"Akin na yan, ibibigay ko na lang mamaya kay Lia" pangaalok ko habang tinitignan ang regalo sana niya kay Lia. Inabot naman niya 'to at nakita kong isang kwintas ang laman ng kahon at marami pang ibang laman. Wow galante naman.

Until We Meet Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon