[Chapter 5]Pagpasok na pagpasok ko'y isang madilim na kawalan lang ang bumungad sa'kin. Walang katao tao at napakadilim na ng rooftop. Sinarado na rin ata ang mga ilaw dahil halos lahat ay nakauwi na sa building na'to. Napakalamig ng simoy ng hangin sa labas at naririnig ko ang mga dahon na nagsisiliparan at kaluskos ng mga puno. Humakbang pa'ko at nagbabasakaling may makitang tao pero wala talaga. Kaya naman ako'y tumalikod na at papunta na ng pinto nang biglang may yumakap sa'kin patalikod at tinakpan ang aking bunganga.
"Why are you here!?" Galit na tanong ni Erick habang nakayakap pa't tinatakpan ang bunganga ko. Agad naman niya itong tinanggal at ako'y humarap sa kaniya.
"Bakit ba? Masama?" Pamimilosopo ko habang nakapamewang pa sa kaniya.
"B-bwal na dito pag gabi na" pagdadahilan niya na ikanakunot naman ng noo ko.
"Bakit ka rin nandito kung bawal?? sinundan lang kita.. Ikaw kasi e!!" Kamot naman ang ulo ang naisagot niya sa'kin. Sobrang hangin naman dito!
"Gusto ko lang magpahangin." Sabi niya at tumalikod na't naglakad papuntang gilid ng rooftop para tingnan ang matataas na gusali sa labas... Agad naman akong sumunod sa kaniya at tumabi.
"Magpapahangin ka e sobrang nakakatakot dito at wala pang ka ilaw ilaw" Tawa ko naman habang nilalanghap ang preskong hangin sa taas. Napakalamig!
"Ito oh" tawa niyang sabi habang binuksan ang flashlight ng cellphone niya't napahagikgik naman ako.
"Aray patayin mo na nga yan nakakasilaw kaya" harang ko sa aking mukha habang tinatapat niya ang flashlight sa'kin. Pinatay naman niya ito at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"May problema ka ba Erick?" Tanong ko habang sinisilayan ang kaniyang mga mata na nasa malayo ang tingin. Pano ba naman kasi? Ito yung mga nakikita ko sa movies e, yung tipong lalaking gusto mapagisa tapos sasabihin gusto lang magpahangin abay neknek niyo.
"Bakit mo naman na sabi"
"Diba kasi? Kapag may problema ang isang tao gusto nila mapagisa? Gusto nila sa madidilim kasi nakakapagisip sila ng malaya?" Taka kong tanong habang nakatingin na rin sa kawalan.
Naramdaman ko namang tumingin sa'kin si Erick... Oh? Wag kang papalag, just sharing my thoughts lang naman noh.
"Pano mo naman na sabi? Pinaalis ba kita kung gayong gusto ko mapagisa?" Tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya habang litong lito ang mukha. Oo nga naman.
"Masama ba magtanong?" Hirit ko na lang dahil hindi ko rin naman alam ang aking isasagot.
"Hindi naman" ngiti niyang tugon hanggang sa lumapit siya sa akin dahilan para maging isang hakbang na lang ang pagitan namin sa isa't isa. Hinawakan naman niya ang aking mga buhok at hinawi hawi ito...
"May dumi" tawa naman niya na ikinatawa ko rin. Bwiset!
"Siya nga pala" tugon ni Erick saka umupo sa sahig. Umupo rin naman ako habang ngayo'y magkatapat na kami.
"Oh ano yon?"
"Nagenjoy ka kanina sa canteen?"
"Ha?" Taka kong tanong habang ngumingisi siya.
"I mean, nagenjoy ka ba nung kasama mo si sir K kumain kanina" seryoso niyang tugon na nagpangiwi naman sa'kin.
"Hindi.. didiretso pa nga sana ako sainyo kaso hindi na lang dahil magrereview pa'ko kanina"
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mystery / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...