Sinugdanan

295 19 2
                                    

I would like to dedicate this chapter to my friends (mga muang) jademarinell and hazelpypn

***

"Please, don't leave me!"

"Ano ba! Tanga ka ba? O nagtatanga tangahan? Ilang beses ko na bang sinabi sa 'yo na ayaw ko na!"

"Hindi lang naman ikaw ang naghahandle sa relasyong ito, andito ako! Kaya hindi ako papayag na maghiwalay tayo!"

"Ano ba! Sinabing ayaw ko na! AYAW KO NA! Mahirap bang intindihin iyon?"

"I'm begging you please don't--"

"ITIGIL NA NATIN 'TO! AYAW KO NA! AYAW KO NA!"

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha kaya agad naman silang nag-uunahan sa pagbuhos.

"One last chance nalang please?" I whispered.

Nakita ko naman sa kanyang mga mata ang awa. Ayaw na ayaw ko ang kinakaawaan ako.

"I'm sorry pero... Ayaw ko na." sabi niya na ikinatigil ng pag-ikot ng mundo ko.

"Ayaw ko na." he smiled then he turned his back on me.

"CUT! "

Kaagad ko namang pinunasan ang aking mga luha gamit ang aking kamay at nakita ko naman ang aking make up artist na naglalakad papunta sa direksyon ko.

"Ako na po, ma'am."

"THAT WAS GOOD!"

Napabaling naman kami ni direk dahil sa sinabi niya.

"Very good Thali! Good job Christian!"

"Thank you po direk," sabi ko kaagad naman akong giniyak ng make up artist ko papasok sa tent upang maayusan ang make up ko.

"Ang galing mo Thali," sabi niya sabay abang ng apir sa akin kaagad ko namang inapir.

"Bilib ako sa acting skills mo ah? Pati ako nadala na rin," he chuckled.

"You're good too. Ang sakit nga nong mga binitawan mong salita,"

"Pota," pareho kaming natawa when he cussed.

Christian is my friend at dito sa upcoming movie namin ay mag boyfriend - girlfriend kami. At first medyo awkward siya kasi hindi naman kami ganon ka sweet sa isa't-isa pero as days passed by nasanay na rin kami.

"Okay, mamayang three midnight ulit. So chill chill muna kayo ngayon, alright?"

"Okay direk,"

Tinignan ko ang wrist watch ko at don ko lang namalayan na alas onse na pala ng gabi tas babalik na naman kami sa shooting mamayang alas tres edi four hours lang tulog ko? Shet.

Kaagad naman akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa high chair at lumipat ng pwesto.

"Matutulog ka na?" Tanong niya.

"Obviously,"

He chuckled.

"Ito oh," sabi niya at inilahad naman niya ang kumot sa 'kin.

"Thanks, hindi ka pa matutulog?"

"Sa ngayon hindi pa, baka mamaya?"

I smiled and nodded.

"Oh siya sige, goodnight Thali."

"Hmm goodnight."


"CUT!" sabi ni direk kaya agad naman akong pumasok sa tent para kuhanin ang bag ko.

"Sa'n ka pupunta Thali? Uuwi ka na?" Christian asked.

"May kukunin lang ako sa condo tas bibisitahin ko na rin sina mama at papa,"

"Sige, see you later."

"See you."

Kaagad naman akong pumasok sa van kasama ang make up artist ko.

Sa kalagitnaan ng biyahe biglang tumunog ang phone ko at kaagad ko itong kinuha mula sa bag.

From: Akisha
        Goodluck sa shooting mo!

Akisha is my friend. She's also an actress like me.

Sa'n niya kaya nalaman na may upcoming movie ako? Wala naman akong ibang pinagsabihan maliban sa family ko.

To: Akisha
      Thanks, but how did you know?

From: Akisha
         Wandat sasabihin ko

I laughed.

Siraulo.

To: Akisha
      Buang

"Andito na po tayo ma'am," kaagad naman akong bumaba sa Van at pumasok na sa bahay.

"Ateeeeee!" salubong sa 'kin ng bunso kong kapatid na si Alliyah.

"Where's mama and papa?" I asked her.

"Nasa shoot si mama tas sumama si papa," kaagad naman akong nag-angat ng tingin sa nagsabi non. Ang kapatid kong si Nailea.

"Wala kayong pasok Lea?" I asked habang naglalakad papuntang kusina.

"Wala akong pasok ate, pero si Alli lumiban,"

"Alli,"

"Ate,"

"Bakit ka umabsent?"

"I'm not feeling well ate,"

"What?"

Kaagad ko namang nilagay ang aking palad sa kanyang noo at totoo nga may lagnat siya.

"Bumalik ka sa kwarto mo at magpahinga,"

"Apaka boring sa kwarto ate kaya dito muna ako kasama si ate Lea,"

I sighed.

"Bakit ka nga pala naparito ate?" Lea asked while her attention is on her laptop.

"May kinuha lang ako sa condo ko tas pumunta nalang din ako rito para bisitahin kayo,"

"So babalik ka pa sa shoot?" tanong niya sabay angat ng tingin sa 'kin.

"Yepp," sabi ko habang sinasalinan ng tubig ang baso ko.

"Kailan matatapos shooting niyo ate?"

"Maybe this week? Kung hindi this week, maybe next week? I don't know."

"Pagkatapos po ba ng shooting niyo ate uuwi ka na po ba rito sa bahay? Or mag s-stay ka pa rin sa condo mo?"

"It depends Alli," I said then I smiled sadly.

Tatlo lang kaming magkakapatid. Ako 'yung ate, sunod si Nailea at si Alliyah. Nailea is on her third year na sa college and she wants to be a doctor, someday. While Alliyah is still on her junior high school. I still remember what she told me before, she wants to be a flight attendant.

I sighed as I stared at them.

Sana matupad niyo ang mga pangarap niyo. Don't let others to cut your wings. Fly high, dream high my beloved sisters.

"Ma'am, pinapasabi ni direk na mamayang alas diyes magsisimula na po ang shoot niyo," sabi nong make up artist ko.

My make up artist is also my personal assistant. All in one siya bhie.

"Oh," agad ko namang tinignan ang wrist watch ko and it's nine thirty already.

"I gotta go, girls." sabi ko at agad ko naman silang hinalikan sa cheeks.

"Take care ate!" they said.

"Kayo rin!"

'Di nagtagal nakabalik na rin kami sa shoot aakmang bababa na sana ako sa Van nang may biglang humarang sa 'kin.

"Uhm excuse me--"

"Thali, it's me." Isang baritonong boses ang sumalubong sa 'kin.

Kaagad namang nangunot ang aking noo at napa-angat ako ng tingin sa isang lalaki na humaharang ngayon sa pintuan ng van.

What the fuck?

Why is he here?

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon