15

28 7 0
                                    

"Okay lang po ba sa inyo ang mga questions? Or may hindi ka po isasali? Just tell me, okay lang." sabi ng interviewer sa 'kin.

May napapansin nga akong mga tanong na dapat hindi na nila sinali pero tumango nalang ako at agad na inabot sa kanila 'yung papel.

Inhale, exhale.

Sasagutin ko nalang lahat.

"Okay mag s-start na tayo in fifteen minutes, so be ready miss Thalli."

I just smiled.

Agad naman akong nilapitan ng make up artist ko at inayusan lang niya ako ng konti.

"Okay, cameras are ready.... In three... Two... One... Action!"

"Good evening to you, to me, to us and good evening to the world," kaagad namang nagsipalakpakan ang mga audience na nanonood.

"This is Blue, and welcome to Bluewish."

Nagsipalkpakan na naman ang mga audience.

"At ngayong gabi kasama po natin ang ating pinakamamahal na actress... Let us all welcome ang ating Miss young sweetheart, Thalliah Ferodantes!"

Punong puno ang studio ng palakpakan at hiyawan.

"Oh, hi! Thank you so much Miss Blue for inviting me here."

"Oh, you're welcome miss Thalli. So, how was your vacation?"

Ang tinutukoy niya na vacation ay hindi muna ako tumatanggap ng mga projects. Nagpahinga muna ako. At laking gulat nga nila na pinaunlakan ko ang request nila na i-interview nila ako kasi nga nagpahinga muna ako.

"It was good. Really really good." I chuckled. "Ano kasi parang feeling ko malaya ako no'ng time na 'yun. Walang shooting, walang projects-- as in wala. Sobrang relaxing."

"Oo nga naman. Sobra ngang relaxing 'yung tipong gigising ka sa isang araw na parang isang ordinaryong tao. Diba miss Thalli?"

"Yes you're right miss Blue,"

"So ayun na nga may tanong ako..."

I nodded.

Ito na. Itatanong na niya.

"Totoo ba itong chismis na may relasyon daw kayo ni mister Mark Robinson?"

Inhale, exhale.

"Before..."

Narinig ko naman siyang napa ooh sa sinabi ko. Pati na rin ang mga audience nagulat din sa sinagot ko.

"Before? So ngayon?"

Umiling ako at kaagad na ngumiti.

"Oh, pero okay naman na kayo ngayon diba? I mean you're both in good terms?"

I immediately nodded.

"Yea, actually we're good friends na ngayon. And 'yung mga messages namin ay para lang kaming magkaibigan. I mean uhh... What I mean is ano... 'Yung parang wala kaming past... Feeling ko nga hindi ko siya ex dahil sobrang civil namin sa isa't isa."

"Oh that's good. Tanggap ba ng mama mo?" My eyes widened sa tanong niya. "I mean ng parents mo?"

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa follow up question niya.

Bakit hindi ko iyon nabasa kanina sa papel?

"Uhm, hehe actually. Hindi ko alam?" I said then I smiled awkwardly.

I bit my lower lip.

I am uncomfortable.

So uncomfortable.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon