19

35 8 0
                                    

"Bakit tayo pupunta sa condo ni Christian?" tanong niya sa 'kin.

Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ngayon papunta sa condo ni Christian. Actually tapos na 'yung two weeks vacation namin sa resort ni Ethan. Umuwi na sila mama kanina tas umextend muna kami ng ilang oras.

"Kasi gusto ko,"

"Bakit ayaw mo pang umuwi?"

"Andaming tanong Ethan ah,"

"Nagtatanong lang naman."

"Reporter ka boi?"

'Di nagtagal nasa building na kami. Pinauna ako ni Ethan na pumasok sa loob kasi may inaayos pa siya sa loob ng kotse niya. Agad ko naman siyang tinext kung ano ang condo unit ni Christian. Habang nasa loob ng elevator iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Christian sa biglaang pagbisita ko. Magugulat kaya siya? Mumurahin niya kaya ako? O wala lang?

Napabalik din ako sa reyalidad nang biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Kaagad akong lumabas ng elevator at naglakad papuntang condo unit niya. Habang naglalakad biglang nag vibrate ang phone ko.

From: Ethan
Teka, susunod din ako. Mga ten minutes siguro?

Ano ba kasing inaayos niya sa loob?

Binalewala ko lang ito hanggang sa nasa tapat na ako ng kanyang unit. Akmang pipindutin ko na sana ang doorbell nang may narinig akong nag-aaway.

Na naman? Bakit ba palagi nalang akong wrong timing? Una kay Mark, pangalawa kay Ethan tas ngayon kay Christian?

Kaagad kong dinikit ang akong tainga sa pinto upang marinig kung sino ang kausap niya.

Dakilang chismosa ako e, sorry naman.

Nalaglag ang aking panga sa aking narinig.

"Please, just give me a chance."

"Ayaw ko nga diba! Hindi kita gusto!"

"Pangalawang beses mo na akong nireject pero kahit umabot pa sa pangatlong beses o pang apat o panglima o mas mahaba pa hinding hindi ako susuko. Gusto kong makuha ka! Gusto kong maging akin ka!"

Shet.

Sana all.

"CHRISTIAN TANGA KABA? O NAGTATANGA TANGAHAN? KASK KUNG OO ANG TANGA MO!"

"GINAGAWA KO 'TO KASI GUSTO KITA! KASI MAHAL KITA!"

"Itigil mo 'yang nararamdaman mo sa 'kin---"

"KUNG PWEDE LANG SANA AKISHA! KUNG PWEDE LANG SANA! KUNG GANYAN LANG PALA KADALI MATAGAL KO NANG GINAWA!"

I gasped.

It's Akisha again.

So, Akisha is Christian's crush? 'Yung palagi niyang kinikwento sa 'kin.

"Kaso hindi e.... Kumakapit pa rin ako... Kasi baka meron pa.... Baka kaya mo pa akong mahalin... Baka meron pa akong chance... Baka naman..."

Tumayo lahat ang mga balahibo ko.

This is my first time hearing my friend begging.

"Tumayo ka nga riyan!"

"Ano bang gusto mong gawin ko para mahalin mo rin ako Akisha? Luluhod? Umiyak ng dugo? Halikan ang mga paa mo? Name it! Kasi gagawin ko, mahalin mo lang ako... "

"You're desperate!"

"YES I AM! GANON KITA KAMAHAL AKISHA! KAYA KONG GAWIN LAHAT, MAHALIN MO LANG AKO!"

I can't take this anymore.

Unti-unti akong umatras at nagdesisyon nang umuwi nalang. Tumatakbo ako papunta elevator. Akmang pipindutin ko na sana nang bigla itong tumunog at bumukas. Nakita ko siyang nakayuko.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon