14

31 7 0
                                    

"Diba sinabi ko na sa 'yo na pagkagraduate mo ng college ay mag-aartista ka!" sabi ni mama kay Lea.

Kasalukuyan kaming andito sa hapag kainan ngayon, kumakain ng breakfast.

"Mama, I already told you before na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko ng medicine--"

"No! Mag-aartista ka sa ayaw at sa gusto mo--"

"Mama naman! Hindi porque na pumayag si ate Thalli ay papayag din ako! Ayaw ko ngang mag-artista, gusto ko maging doktor! Mahirap bang intindihin iyon?" nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Lea.

"Eh sa gusto kong mag-artista ka, mahirap din bang intindihin iyon?"

Oo, sanay na kami na sinasagot niya si mama pero ni minsan hindi niya pinagtaasan ng boses si mama, ngayon lang

Kaagad ko namang hinawakan ang kanyang kamay sa ilalim ng lamesa na nasa kanyang hita.

"Shh," I murmured.

"Hindi ate! Anong gusto mo ate? Na papayag din ako? Gaya ng ginawa mo?"

I gasped.

"Diba gusto mong maging architect ate? 'Yun 'yung pangarap mo noong bata pa tayo! Palagi mong sinasabi sa akin na pangarap mo 'yun. 'Yung tipong punong puno 'yung lamesa mo sa mga plates mo, T square, triangles, compass, mga blueprints. 'Yun 'yung pangarap mo ate! 'Yun 'yun! Hindi mga make up! Hindi mga poster niyo sa movie!" sabi niya habang pinipigilan ang sariling maiyak.

"Bakit 'di mo tinupad ate? Bakit mo sinet-aside 'yung pangarap mo? Dahil gusto mong maging good image kay mama? Ganyan ka naman talaga eh, kung anong gusto nila sinusunod mo kahit labag sa kalooban mo!"

"NAILEA--"

"HINDI ATE! TAMA AKO DIBA? KAHIT LABAG SA IYONG KALOOBAN AY SINUSUNOD MO! PERO BAKIT MO SINEKRETO NOON ANG RELASYON NIYO NI KUYA MARK? DIBA SINUSUNOD MO LAHAT NG NAIS NILA? OH BAKIT MO SILA SINUWAY?"

"LEA--"

"SAGUTIN MO AKO!"

I looked down.

I can feel my tears were starting to fall.

"OH DIBA? HINDI KA MAKASAGOT!"

Kaagad naman akong napabaling kay mama at nakita ko naman sa kanyang mukha ang pagkagulat.

"Sunod sunoran ka diba? Dapat hindi mo na ginawa 'yun!"

"Nailea tama na please," pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy sa pagpunas ng aking mga luha.

Umiling siya habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Kung inaakala mo pareho kami ni ate ma na sunud sunuran pwes nagkakamali kayo!" she said then she walked away.

"Nailea!" tawag ni mama sa kanya pero hindi siya lumingon sa 'min at nagpatuloy lang hanggang sa umakyat na siya sa taas.

















Hikbi.

Tunog ng umiiyak.

'Yan lang ang tanging maririnig sa loob ng aking kwarto.

She was right.

Pangarap ko talaga maging isang architect. Kaya 'yun 'yung kinuha kong course nong college. But sadly, when I graduated my parents told me to enter this industry. At first ayaw ko pa, pero ayaw ko naman maging bad image kila mama at papa. Ako 'yung panganay, kaya ayaw kong sinusuway sila para sundin ako ng mga kapatid ko as an ate.

I chuckled in between my sobs.

How ironic right? Ayaw ko raw na sinusuway sila, pero nilihim ko noon 'yung relasyon namin ni Mark.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon