To: Mark
Hey! Andito na ako
(9:23 am)To: Mark
Asan kana?
(9:51 am)To: Mark?
On the way?
(10:03 am)To: Mark
Uy, magreply ka naman please :((
(10:28 am)To: Mark
Hey, where are u?
(10:45 am)To: Mark
Okay....
(11:00 am)I sighed.
Kasulukuyan akong nasa loob ng kotse ngayon. Nag d-drive pauwi sa condo ko. I was just scrolling down sa mga text messages ko kay Mark pero ni isa hindi niya ni replyan. Last text ko sa kanya ay no'ng 11 am pa tas ngayon eleven thirty na still no response.
Well, actuay this is not new to me. Yes, nagbakasyon lang ako, nawala lang ako ng isang taon pagbalik ko ako na yung naghahabol. Palagi ko siyang nimemessage na gusto kong makipagkita, gusto kong magmeet kami, gusto kong mag dinner date kami. Yes, naghahabol na nga ako. Call me desperate if you want pero mahal ko talaga siya eh. Long story short gusto kong makipagbalikan sa kanya.
Akmang liliko na sana ako papasok sa building nang may nakalimutan akong dalhin.
"Oh shit! I forgot my laptop!" I murmured.
Dali dali akong bumalik sa daan papuntang bahay namin. Nang nasa garahe na ako ay kaagad akong lumabas ng kotse at pumasok ng bahay. Dire-diretso lang ang lakad ko kahit na tinatawag na ako ni mama.
Inaamin kong may pagtatampo pa rin ako sa kanila. It's been a month since nong pina uwi nila si Lea sa Cebu. And Lea is now currently studying in Cebu Doctors' University. Everyday and every night kaming nag v-video call ni Lea with my sister Alliyah of course. Luckily, our parents allowed us to do this video calling.
Nang nasa loob na ako ng aking kwarto ay kaagad kong dinampot yung laptop ko sa ibabaw ng study table ko at lumabas na ng kwarto. 'Yun lang naman ang pakay ko rito.
When I went downstairs I heard papa called me.
"Thalliah, why are you here?"
I stopped.
I faced them.
"I forgot my laptop here," sabi ko at patuloy pa rin sa paglalakad.
"Wanna join us?" she said.
They're currently eating lunch right now and they invited me to join them. Well my answer is absolutely no.
"Hmm, no thanks." I said with a forced smile on my face.
Dire-diretso lang ang aking lakad at kaagad akong napatigil sa may pintuan nang makita ko siya. Ang boyfriend ni Lea.
"Hey--"
"Ate, nasan si Lea?" Nararamdaman ko ang lungkot sa kanyang boses.
"She's---"
Hindi na natuloy ang sasabihin ko when suddenly someone interrupted me.
"THALLIAH!"
Kaagad naman akong napabaling sa aking likuran and then I saw them. I saw my parents.
"Pumasok kana sa kotse mo!" Ma-awtoridad na sabi ni papa.
"But--"
"No more buts! Kami na ang bahalang makipag usap sa lalaking 'to!"
"But mama--"
"PUMASOK KANA NGAYON DIN!" shet galit na si papa.
I looked down.
Kaagad akong naglakad papuntang garahe at agad na pumasok sa kotse. Bumaling ako sa pwesto nong lalaking iyon at nakikita ko siyang umiiyak.

BINABASA MO ANG
Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)
RomanceGihigugma Tika (Mahal Kita) Completed. [unedited] CEBUANA SERIES 1 If you were Thalliah, what would you choose? Is it your heart? Or your parents' command? Started: October 31, 2020 Ended: November 25, 2020 REMINDER: I DO NOT OWN ANY OF MY BOOK COVE...