"Ate..." Sabi niya habang humihikbi pa.

"Shh tahan na... Andito na si ate."

"Ate... Lalayo nalang po ako sa kanya--"

"Aba'y bakit? Dahil 'yun ang sabi nina mama at papa?" tanong ko at nakita ko naman siyang dahan dahang tumango.

"Lea listen," sabi ko at agad na hinawakan siya sa balikat.

"If you really love him then fight for him. Hindi naman sa sinasabi kong mali sina mama at papa. I know na ginagawa lang nila iyon para sa ikabubuti kuno natin. Pero mahal natin sila diba? Mahal mo siya diba? Kaya ipaglaban mo--"

"Diba mahal niyo po si kuya Mark ate, bakit po kayo naghiwalay? Akala ko po ba ipaglaban? Bakit po kayo bumitaw?"

I froze.

"Mahal niyo pa rin ba siya hanggang ngayon ate?"

Nagsimula namang lumabo ang aking paningin at unti-unti nang tumulo ang aking nga luha.

I nodded.

"Mahal na mahal ko pa rin siya Lea,"

"Then, bakit hindi niyo po siya pinaglaban?"

I looked down habang patuloy pa rin sa pagbagsak ang aking mga luha.

"Kasi nasa maling panahon at oras kami...."

"Kailan po ba ang tamang oras at panahon para sa inyo ate?"

Umiling-iling naman ako habang hinahaplos ang kanyang buhok.

"Hindi ko alam... Hindi ko rin alam Lea." Sabi ko habang pinipigilan ang sarili na humikbi.

Ayaw na ayaw kong umiyak sa harap ng pamilya ko. Kasi ayaw na ayaw kong kinakaawaan ako.

"Kung may chance ba ate, babalikan mo pa ba siya?"

Kaagad ko naman siyang niyakap ng mahigpit.

Hindi ko rin alam Lea.... Hindi ko alam kung hahabulin ko pa ba siya or i-le-let go ko nalang talaga.











"Okay ka lang?"

Kaagad naman akong napabalik sa reyalidad nang bigla akong tinapik ni Christian.

"A-ayos lang ako," sabi ko at agad na sinimulang kumain.

"Hmm?" Sabi niya habang nakataas ang isang kilay niya.

"Oo nga!"

"Alam mo may chika ako!" I saw the side of his lips rose up.

Here we go again sa mga chikas ni Christian.

I sighed.

"Ano?"

"Si Mark..."

Para akong binunutan ng tinik nang marinig kong binaggit niya ang pangalan ni Mark.

"Aygo! Hindi pa nga naka move on!" Sabi niya at agad na humagalpak ng tawa.

"B-bakit? Ano bang nangyari?"

"Actually wala naman talaga. Tinesting lang talaga kita kung naka move ka na ba or wala pa so yea, obvious naman na hindi ka pa naka move on ghorl!" Sabi niya at patuloy pa rin sa pagtawa.

Kaagad ko naman siyang hinarap at ngumiti nang pagkamis tamis pero pinapatay na sa titig.

"Mabulunan ka sana."













"GREAT THALLIAH!"

Kaagad naman akong bumaba sa mini stage at pumunta sa make up artist ko.

Kasalukuyan akong nasa photoshoot ngayon para sa upcoming endorsement ko na make up. Kanina pa kami nagt-take ng photo at actually pauwi na rin ako ngayon.

While nire-remove ng make up artist ang make up ko ay biglang nag vibrate 'yung phone ko na nasa ibabaw ng vanity table.

From: Nailea
Ate nagkita kami ngayon sa may park. Natatakot ako ate baka may magsumbong kila mama at papa.

"Oh shit!" Sabi ko at agad na tumayo.

"Ma'am hindi pa po tapos tanggalin ang make up mo--"

"I'm sorry pero I have to go!" Sabi ko at agad na binilisan ang kilos ko at tumakbo.

Hindi ko pa naranasan na tumakbo ng ganito kabilis sa tanang buhay ko.

Nang nasa parking lot na ako ay kaagad kong in-on 'yung engine at nagsimula nang magdrive papunta sa park na tinutukoy ni Nailea.









"Ate!"

"Shh! 'Wag kang maingay!" Sabi ko sa kanya pagkasalubong niya sa 'kin.

I'm wearing my face mask and my sun glasses right now para hindi ako makilala ng mga tao rito na andito ako.

"Here," sabi ko sabay abot sa kanila ng mga face masks.

"Kung magkikita man kayo sa mga public places please don't forget to wear your fucking face masks para hindi kayo makilala ng mga tao rito!" Sabi ko sa kanila.

Kaagad naman akong napabaling sa lalaki nang makita kong may kung anong emosyon sa mga mata niya.

Para siyang maiiyak ano mang oras.

"Ate Thalli, maraming maraming salamat po talaga." Sabi niya na ikinagulat ko.

My heart melted.

Mama, papa why? Bakit niyo sila nilalayo? They're too precious para saktan mo po sila. Base sa hitsura ng lalaking ito para sa 'kin hindi naman siya masama, napaka fragile nga niya. Bakit kailangan niyo pa po silang hadlangan?

I was about to turned my back to them nang makita ko silang tumatawa. Kahit nakasuot sila ng kanilang mga face masks ay makikita ko sa kanilang mga mata ang saya.

Bigla ko tuloy naalala 'yung dating kami ni Mark...

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon