13

38 7 0
                                    

"E-Ethan,"

"Hey," sabi niya, agad din naman niyang binitawan ang braso ko.

"W-why are you here? I mean dito sa Cebu."

"Kasi gusto ko,"

"P-paano mo 'ko n-nahanap?"

Shet naman Thalliah ba't ka nauutal?

"Every sinulog pumupunta talaga ako rito sa Cebu para mag bakasyon. Tas itong mall na ito ay hindi ko pa napuntahan dahil bagong tayo palang ito kaya I decided na kumain muna rito ng lunch. Then I was strolling around here when suddenly I saw you with your family. Tas umuwi na sila tita pero andito ka pa rin kaya sinundan kita..... May inaantay ka ba?"

"W-wala," sabi ko at nauna nang maglakad sa kanya paalis sa Bibo.

"Teka lang," sabi niya at ramdam ko namang sinusundan niya ako sa likod.

Maya maya lang ay nasa harapan ko na siya at bina-block ang dapat dadaanan ko.

"Ethan ano ba!"

"Sagutin mo muna ako--"

"Ay wow? Nanligaw ka?""

"Huh?"

"Huh? Huhkdog." Sabi ko at nilagpasan siya.

"Thalliah--"

Kaagad ko namang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang aking mga kamay.

"Ang lakas ng boses mo! 'Wag mo 'kong tawagin sa pangalan ko 'pag nasa public places tayo!" Bulong ko sa kanya at agad ko ring tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakatakip ng bibig niya.

"Sorry naman," napakamot naman siya sa kanyang leeg.

"Sino ba kasing inaantay mo roon?"

"Mind your own business,"

"Eh pa'no ba 'yan, ikaw 'yung business ko, so ikaw nalang iisipin ko?"

Kaagad naman akong napalingon sa gawi niya. I saw the side of his lips rose up with matching taas baba pa ng kilay niya.

"In your dreams."











"Dito na kasi tayo!"

"Sa mcdo nalang tayo!"

"Mcdo lang walang tayo." Sabi niya na ikinatahimik ko.

Narinig ko naman siyang humagalpak ng tawa. Kaagad naman akong napatingin sa mga taong nakakasalubong namin. Pinagtitinginan na nila kami.

Ano kayang nasa isip nila? Na baka may sayad o siraulo 'tong kausap ko?

O baka naman nakilala nila ako? Jusko! 'Wag naman sana!

Damn you Ethan!

"Para kang baliw... Sa mcdo nalang kasi tayo." Pagpipilit ko.

Kanina niya pa ako pinipilit na sa mamahaling restaurant kami kakain ng dinner. Oo, alam ko namang may pera siya at may pera rin ako afford naman namin. Pero kasi, he insist na ililibre niya ako. Ayaw ko namang tumanggi since we're friends naman na. Ang akin lang naman ay nakakahiya. Libre niya tas ang mamahal.

"Okay naman sa mcdo ah?" Sabi ko sa kanya nang makita ko siyang nakabusangot.

Kasalukuyan na kaming nakapila ngayon sa mcdo.

"Maghanap ka ng mauupo ro'n," sabi niya sa 'kin

"Yes daddy." I teased him.

He just rolled his eyes and crossed his arms.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon