11

34 8 0
                                    

"FIVE... "

"FOUR... "

"THREE.. "

"TWO... "

"ONE... "

"HAPPY NEW YEAR!!!"

Kaagad namang nagsiputukan ang mga paputok ng aming mga kapitbahay, pati na rin si papa.

"Happy new year ate!" Bati sa akin ng dalawa kong kapatid.

"Happy new year sa inyo Nailea and Alliyah!" Natawa naman ako nang makita kong naglalaro si Alli ng kanyang bingalla.

"Ayaw pag paduol sa mga nagpabuto Alli. Na, mapatay gani tang mama ani." Sabi ko kay Alli, pa'no ba naman kasi eh ang lapit lapit na niya sa mga nagpapaputok baka mapatukan pa siya, naku!

('Wag ka ngang lumapit sa mga nagpapaputok Alli. Baka mapatay tayo kay mama pag nagkataon.)

"Happy new year Thalli!" Napabaling naman ako sa direksyon ni mama.

"Happy new year din ma, pa!"

"We're so happy kasi after five years dito kana ulit nag new year sa Cebu." Sabi naman ni papa at nakita ko naman sa kanilang mga mata ang saya.

Five years, yes. I was twenty years old that time when I started to enter this industry. At simula no'n naging independent na ako. Hindi na ako umuuwi ng Cebu noon. Sinasalubong ko ang pasko at bagong taon noon sa Manila na hindi sila kasama. Yes, may bahay din kami sa Manila pero hindi rin naman ako roon nakatira. May sariling condo ako. At sa loob ng limang taong iyon hindi ako medyo nakapag bonding sa pamilya ko. Masyado akong busy sa career ko. And finally after five years, kasama ko na ulit ang pamilya ko na sinalubong ang pasko at bagong taon dito sa Cebu.

Everytime na may special event dito sa Cebu ay syempre uuwi kami rito. Pero sa loob ng limang taong iyon ni one time hindi ako bumalik dito. Kahit pasko, new year o kahit 'yung sinulog wala. As in wala. Hindi talaga ako umuwi. Masyado akong busy. Sobrang busy ng schedules ko to the point na hindi ko na nabibisita sina mama kahit nasa Manila rin sila.

And now I am happy. Kasi kasama ko na sila.

Habang kumakain ng cake biglang nagvibrate 'yung phone ko. Kaagad ko itong kinuha mula sa counter top at binuksan. Andaming nag greet sa 'kin ng happy new year. 'Yung iba mga friends ko, 'yung iba naman mga relatives ko at karamihan sa mga nag greet sa 'kin ay mga fans ko. Pero merong isang message ang nag caught ng atensyon ko kahit sobrang dami ang nag greet sa 'kin.

@lessethanone: Happy new year!

Sa instagram pa talaga? Pwede namang sa text nalang, tss.

@thalliahiyaiya: Hmm

Ilalapag ko na sana ang phone ko nang bigla siyang nagreply.

@lessethanone: why so cold?

@thalliahiyaiya: kasi hindi hot?

@lessethanone: lul

Natawa naman ako sa reply niya.

Ang cute niya buyset.

Ang kaninang ngiting suot ko ay biglang napawi nang may biglang nag pop up ang pangalan niya. I saw his name. He greeted me.

@questionmark: Happy new year :)

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang dala dala kong tinidor at nag ingay ito sa buong kusina.

"I-I'm sorry," I stuttered.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon