10

40 9 0
                                    

"Ito oh," sabi niya sabay bigay sa 'kin ng isang plastik na baso na may lamang isaw na kulay orange.

"Salamat,"

"Ano pang gusto mo?" Tanong niya habang ngumunguya ng kwek kwek.

"Snow Cone!"

"Tara,"

"Anong flavor gusto mo?"

"Strawberry,"

"Usa ka strawberry nga tag diyes te niya usa pud ka chocolate nga tag diyes." Sabi niya sa tindera.

"Bakit ba ayaw mo sa strawberry?" Tanong ko sa kanya habang hinihintay namin ang snow cone namin.

"Gusto ko naman, pero may chocolate eh kaya chocolate 'yung pipiliin ko of course." Sabi niya na ikinatawa ko.

"Baynte dong," sabi nong tindera kay Mark.

(Bente hijo)

Kaagad namang binigay ni Mark ang twenty peso bill sa tindera at nagpasalamat.

"Salamat te,"

"Alam mo may napapansin ako sa 'yo," sabi niya habang naka upo kami sa bench.

"Ano naman 'yun?"

"Na mas bet mo ang ganito,"

"Huh? Anong ganito?"

"'Yung ibang babae kasi pag nag d-date sila ng mga boyfriend nila mas prefer nila sa restaurant, sa mall, mag milktea, o kakain sa fast food chain..."

"Oh tapos?" Sabi ko habang kumakain ng snow cone.

"Pero ikaw mas prefer mo 'to... Nasa park, kumakain ng street foods, naka upo at tinitignan ang sunset." Sabi niya na ikinalingon ko sa kanya.

Kasalukuyan kaming andito sa Naga bay walk naka upo sa bench at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Bakit?..."

"Huh?"

"Bakit iba ka sa ibang babae?"

I shrugged.

"Hindi ko alam... Pero sana 'wag mo nang ikompara 'yung ibang babae sa 'kin. Kasi hindi naman talaga lahat ng babae sa mundo ay magkakapareho. Same with guys. Iba iba talaga ang bawat tao sa mundo kaya 'wag na 'wag mo silang ikukumpara sa kapwa rin nila na babae,"

"I mean hindi naman sa ganon pero... Kadalasan kasi sa mga na encounter ko ngayon ay puro mga ganon... You know..."

"Hmm, stop stereotyping." 'Yun lang ang sinabi ko na ikinatahimik niya.

"Tara na nga!" Sabi ko at agad na tumayo at nauna nang maglakad.

"Uy teka lang!"

"Uuwi na tayo?"

"Yupp baka hanapin pa ako ni--"

"Thalliah."

Oh shit.

Kaagad akong napabaling sa aking likuran at agad na nanlaki ang aking mga mata.

"M-mama..."

'Yun 'yung araw na nalaman ni mama na boyfriend ko si Mark.... Ang anak ng kaibigan niya... noon.









"Tulala lang sa 'king kwarto,
At nagmumuni muni,
Ang tanong sa 'king sarili,
Sa'n ako nagkamali? "

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon