1

121 15 3
                                    

"Thali, it's me,"

"Bakit ka andito?"

"Kasi gusto kitang makita--"

"Paano pag nakita ka nila?"

"Hindi yan--"

"How can you be so sure? Once makita nila tayo yayanig ang buong media!" sabi ko at agad siyang nilampasan.

"Thalliah!"

Diretso lang akong naglalakad hanggang sa nasa loob na ako ng tent.

"Problema mo?" Bungad sa 'kin ni Christian nang makita niya akong nakabusangot.

"Wala," sabi ko at agad na umupo sa high chair.

'Di nagtagal sinimulan na rin nila akong make up-an.

"Na memorize mo na?" he's referring to our script.

"Medj,"

He chuckled.

"Hindi naman kailangang i-memorize yung script. As long as naiintindihan mo kung anong mangyayari sa scene tsaka bonus na rin pag may maidadagdag kang script,"

"Hmm,"

"Okay, ready?"

"Yes,"

"In three... Two.. One... ACTION!"

"Why are you here?"

"I am here cause I'm worried--"

"Putangina!" Sabi ko sabay sabunot sa sarili kong buhok. Inihilamos ko rin ang aking mga kamay sa mukha ko at pagod na tumingin sa kanya.

"Chase naman! Tama na please!" Nahihirapan kong sabi dahil nagsimula nang mamuo ang aking mga luha.

"Hindi ako titigil--"

"TANGINA MO TALAGA! NOON AKO ANG NAGHAHABOL SA 'YO! I BEGGED! I CHASED! PERO NAPAGOD AKO CHASE! NAPAGOD AKO KAKAHABOL AT KAKAASA NA BABALIK KA PA! NAWALAN NA AKO NG PAG-ASA NA BABALIK KA PA! TAS NGAYON KUNG KELAN MAG M-MOVE ON NA AKO SAKA KA BABALIK? PUTANGINA CHASE! PUTANGINA MO TALAGA!" Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at kusa na silang tumulo.

"Pagod na pagod na ako Chase.... A-ayaw ko na.... Itigil mo n-na 'to.... Please?"

"But--"

"CUT!"

Kaagad naman kaming napa angat ng tingin kay direk.

"ANO BA YAN THALLIAH! DIBA SINABI KO SA INYO DAPAT NAKA SILENT ANG MGA CELLPHONE NIYO!"

"I'm sorry direk,"

"Turn that off! Ilagay mo yung cellphone mo sa bag,"

"Yes direk,"

Kaagad naman akong tumakbo papasok sa tent. Nang tinignan ko yung phone ko nakita ko ang kanyang pangalan. I immediately pressed the red button at ni silent mode ang cellphone ko.

"THALLIAH!"

"Coming direk," agad ko nalang pinasok ang cellphone o sa loob ng aking bag at tumakbo papalabas ng tent.

"I'm really sorry direk,"

"It's okay. Now take two... In three.. Two.. One... ACTION!"

"Mamayang alas diyes naman para sa car scene, okay?"

"Okay direk,"

"Sige, pahinga muna kayo."

"Sino 'yung tumatawag kanina?"

"Just a f-friend,"

"Hmmm?"

"Christian, leave me alone."

"You don't have to lie,"

Agad naman akong napa angat ng tingin sa kanya.

"What do you mean?"

"Alam ko kung sino 'yun,"

"W-what?"

"At alam ko rin kung ano mo siya,"

"Christian please, don't tell my parents about this."

"I know... Kahit sa mga kaibigan natin at sa media hinding hindi ko sasabihin,"

"Thank you, Christian."

"Bakit niyo pala nilihim?"

"Alam mo naman sina mama at papa. Ayaw na ayaw nila sa kanya,"

"Ayaw sa kanya? O ayaw dahil sa mga magulang niya?" he smirked.

"Maybe both?"

I chuckled.

"Thali look,"

"Hmm?" I faced him.

"Walang lihim na hindi nabubunyag Thalliah. Darating at darating ang panahon na malalaman din nila. Handa ka ba?"

"Hindi," sabi ko at hindi ko na napigilan ang aking mga luha at kusa na itong tumulo.

"Eh pa'no na yan?"

"Hindi ko alam, Christian."

"Shh," kaagad naman niya akong niyakap at inalo.

"Hindi naman ako parating nasa tabi mo Thali..."

"Pero kahit anong mangyari, tutulungan kita kahit na nasa kabilang syudad pa ako,"

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Bubu, walang halong eme 'yun!"

"Oo na!"

"Thank you,"

"Your phone," sabi niya sabay turo sa phone ko na nag r-ring.

Kaagad naman akong kumalas mula sa pagkakayakap niya at kinuha ang phone ko sa ibabaw ng lamesa.

Mark is calling.

"H-hello?"

["Nasa shoot ka pa ba?"]

"Y-yea,"

["Oh,"]

"Why?"

["Gusto sana kitang imbitahan na kumain ng dinner with me,"]

"Oh, I'm really sorry Mark but I'm on my shoot tonight so I can't go with you--"

["No, it's okay. Maybe next time?"]

"I can't promise but..... I'll try."

["Okay, uhm good evening by the way."]

"Hmm, yea. I'll end this na,"

["Okay,"]

"WHY ARE YOU SO COLD?"

"Shh! Tumahimik ka nga riyan Christian."

"I'm sorry but... Bakit apaka cold mo mamsh? Nadala mo ba 'yung role mo sa movie natin?"

"Gusto kong mapag-isa Chris,"

"Okay." I saw him stood up and went out from the tent.

Agad ko namang kinuha ang aking cellphone nang marinig itong nagring.

Mama is calling.

"Ma?"

["Nasa shoot ka ngayon?"]

"Opo,"

["Uuwi ka bukas?"]

"Di ko pa po alam,"

["May ipapakilala ako sa 'yo,"]

"Omyghad mama, please stop that."

["Why? Just a friend lang naman,"]

"Ugh, whatever!"

I looked at my wrist watch and it's nine forty five already.

"Ma'am Thali, me-make up-an na po kita,"

"Sige po,"

Habang minimake up-an ako ng make up artist ko biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Unknown number
Hi! Is this Ms. Thalliah Ferodantes' mobile number?

Who is this?

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon