"Ang ganda mo..."
Kaagad naman akong napabaling sa kanya.
"P-pardon?"
He chuckled.
"Wala,"
Sus! Matagal ko nang alam na maganda ako no!
I was about to say a word when suddenly my sister came.
"Ate,"
"Bakit?"
"'Yung cellphone mo ate kanina pa nagr-ring," sabi ni Lea agad naman akong tumayo at naglakad na papasok sa loob ng bahay.
Kaagad kong kinuha 'yung phone ko na nasa coffee table at nakita kong si manager ang tumatawag sa 'kin.
"Hello miss?"
["Thalli where are you?"]
"Uhmm, nandito po ako sa Mingla miss, binisita ko lang 'yung parents ko rito."
["Oh, have you eaten na ba?"]
"Yes po miss, kumain na po ako rito ng dinner. Bakit po?"
["Oh, i-invite sana kita rito sa buffet para kumain ng dinner but yea kumain kana eh so, okay lang. Anyway, anong oras ka uuwi? Pwede lang din naman na riyan kana lang matulog Thalli,"]
"Oh, uhmm actually I'm on my way na po miss. Pauwi na po ako,"
["Okay, take care."] then she ended the call.
"Uuwi kana?"
Agad naman akong napalingon sa kanyang direksyon.
"Obviously,"
"Ihahatid na kita--"
"No, thanks. Okay lang ako,"
"No, I insist."
"Ayaw ko nga eh--"
"Uuwi kana Thalli?"
Agad naman akong napabaling sa aking likuran nang marinig ko si mama.
"Opo ma,"
"Ihatid mo siya Ethan kahit sa labas lang."
Agad namang nanlaki ang aking mga mata sa sinabi ni papa.
"Papa naman, kaya ko ang sarili ko--"
"Sige na," pagtataboy niya.
Napairap naman ako.
Edi wow.
Kaagad ko nilapitan si mama at hinalikan siya sa pisnge at kay papa rin sabay mano.
"Mauna na po ako, ma, pa."
"Oh sige, amping." sabi ni papa.
Nang nasa labas na kami ng bahay agad ko naman siyang binalingan.
"Ang sabi ni papa ihatid mo raw ako sa labas ng bahay. Nasa labas na tayo ng bahay kaya maaari mo na akong iwan." Sabi ko at nginitian siya nang pagkatamis tamis.
"'Yun ang sabi ng papa mo. Eh sa gusto kong ihatid kita hanggang sa sasakyan mo kaya no choice ka." Sabi niya at nauna nang maglakad sa 'kin habang nakapamulsa.
Aba!
"Desisyon ka boi?"
"Oo bakit? Aangal ka?"
Inirapan ko lang siya at nauna nang maglakad papunta sa kotse ko.
"Nasa kotse na ako, maaari mo na akong iwan."
BINABASA MO ANG
Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)
RomanceGihigugma Tika (Mahal Kita) Completed. [unedited] CEBUANA SERIES 1 If you were Thalliah, what would you choose? Is it your heart? Or your parents' command? Started: October 31, 2020 Ended: November 25, 2020 REMINDER: I DO NOT OWN ANY OF MY BOOK COVE...