"I'm her boyfriend,"

O...kay?

Agad naman akong napabaling kay Akisha. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Muntik na nga niyang mabitawan ang basong dala dala niya ngunit kaagad din itong sinalo ni Christian.

At naniwala siya ron? Na may boyfriend ako? Na boyfriend ko si Ethan? Pa'no pag sinabi ni Ethan sa kanya na kumain ako ng tae, maniniwala rin siya?

I laughed at that thought.

Ano ba naman 'yang nasa isip mo Thalli. Sa dinami daming pumasok sa isip mo bakit tae pa?

Para silang nagulat sa biglaang pagtawa ko.

Ano kayang nasa isip nila? Abnormal ka ghorl? Ganon?

Sorry naman.

"Yes he is my boyfriend..." Ang kaninang nanlalaking mga mata nila ay mas lumaki pa sa sinabi ko.

Lul kay gandang tanawin amp AHAHAHAH.

"...boy na friend," I said then I smiled.

"Bye, have fun!" sabi ko at agad silang kinawayan at nauna nang maglakad papalabas ng bahay.

Habang naglalakad papalabas ng bahay ni Akisha ay bigla akong nahilo at parang nasusuka kaya kaagad akong tumigil sa may gilid at sumuka nang sumuka.

"Oh shit! Here we go again." 'Yun na ang huling sinabi niya bago nandilim ang aking paningin.






I opened my eyes.

White ceiling agad ang bumungad sa 'kin--- wait what?

Don't tell me nasa hospital ako? Anong ginagawa ko rito? Bakit ako nandito? Sino nagdala sa 'kin dito? Sinong kasama ko kagabi?

"Ahh," napa ungol naman ako sa biglaang pagsakit ng ulo ko.

Bwesit.

Inom pa Thalliah! Akala mo naman talaga kaya niya.

Kaagad akong bumangon at dahan dahang tumayo ngunit nang pagkatayo ko ay parang bumaliktad ang sikmura ko, nasusuka ako.

May nakita akong isa pang pintuan sa may kanan kaya kaagad akong tumakbo roon nagbabakasaling banyo 'yun. At nang pagpihit ko sa doorknob ay laking pasasalamat ko na banyo nga. Kaagad akong napaluhod sa may bowl at sumuka nang sumuka.

Narinig ko naman ang pagpihit ng doorknob sa main door ng kwarto at may narinig akong boses.

"Thalliah?"

Ethan?

"Oh shit!" Rinig kong sabi niya mula sa likuran ko nang makita niya akong nakaluhod at sumusuka sa bowl.








"Hangover," sabi niya habang pinaghandaan ako ng breakfast.

Kakatapos ko lang uminom ng gamot.

So ala pala ako sa hospital? Hehe masyado kang ano Thalliah.

"So nasan ako? I'm pretty sure hindi ko naman condo 'to or condo ni Christian,"

"Obviously, nandito ka sa condo ko." He said.

Well, hindi na kagulat gulat.

"Bakit mo 'ko dinala rito?"

"Kasi hindi ko alam kung saan ka nakatira?"

Napatango naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman, bobo ka ba Thalli?

Bigla akong nagutom nang makita ko ang niluto niya. Nakakatakam!

May sinabi pa siya pero hindi ko narinig.

"Huh?"

"Huhkdog."









"Dito," sabi ko sabay turo sa building na tinitirhan ko ngayon.

"What?" sabi niya at agad na niliko papasok sa basement.

"Oh ba't parang gulat na gulat ka?"

"Nagulat lang ako dahil dito ka pala nakatira. Ba't di mo sinabi sa 'kin? Ang lapit lapit lang pala ng building na tinitirhan mo sa bahay ni Akisha kaysa sa 'kin."

"'Di ko talaga sinabi sa 'yo kasi hindi ka naman nagtanong, duh." Sabi ko at umirap pa sa kanya.

"Aray! Buyset!" Napasigaw ako sa sakit nang bigla niyang inapakan ang break kaya naman ay halos tumilapon ako at nauntog pa 'yung noo ko sa dashboard.

"Sorry naman,"

"Sa susunod kasi 'wag ka naman magpadalos dalos na apakan ang break." Sabi ko at agad na lumabas sa kotse niya.

Bwesit ang sakit ng noo ko.

Kaagad naman akong pumasok sa elevator at pinindot kung saang floor ang unit ko. Akmang sasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang na kamay kaya agad din itong bumukas.

"Ethan? Ginagawamue?"

"Wala bang thank you riyan?"

Napairap naman ako sa hangin.

"'Yun lang?"

He nodded.

I sighed.

"Salamuch." Sabi ko at narinig ko naman siyang tumawa ng bahagya.

"Ano? Okay na? Satisfied?" Natawa naman ako dahil nag thumbs up pa ito sa 'kin.

"Tss, oh sige na umalis ka na!" Pagtataboy ko.









"Nasan po sina mama at papa?" Tanong ko sa isa sa mga kasambahay namin nang sinalubong nila ako pagdating.

"Ahh ma'am... Ano p-po kasi---" 'di na niya natuloy ang sasabihin niya nang marinig namin ang boses ni papa.

Tila'y galit na galit ito.

"DIBA SINABI NA NAMIN SA 'YO NA LAYUAN MO NA 'YUNG LALAKING 'YUN!"

De javu.

Kaagad naman akong tumakbo papasok sa bahay at nakita ko ang aking kapatid na umiiyak habang nakaluhod sa harap nina mama at papa.

"Nailea," sambit ko at agad na tumakbo papalapit sa direksyon niya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. She cried on my shoulders.

"Shh tahan na."

"Umalis ka riyan Thalli!" Pagtataboy ni papa sa 'kin.

"No! I won't let you hurt Nailea--"

"Hindi namin siya sinasaktan anak, sinasabihan lang namin siya na layuan niya ang lalaking iyon--"

"Oh just like before? Gaya noon? 'Yung pagtataboy niyo kay Mark para sa 'kin?" Kaagad naman silang natigilan sa sinabi ko.

"Ma, let them go. Pabayaan niyo silang dalawa please? Ayaw na ayaw kong nakikita ang kapatid ko na nagluluksa gaya sa 'kin noon." Sabi ko at 'di ko na napigilan ang aking mga luha sa pagbuhos.

Gihigugma Tika (Cebuana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon